Dear Tatay

Dear Tatay,

Bulaga! Kala mo di ako gagawa ng sulat para sa yo 'no? Hindi naman pwedeng mangyari na si Nanay lang ang sulatan ko eh pareho ko kayong magulang. Ganunpaman, pipilitin ko na hindi maging madrama ang nilalaman ng liham na ito. Yun eh kung kaya ko. Alam mo naman na emosyonal akong tao eh. By the way, malapit na ang araw nating mga ama. At kaya ko kayo sinulatan ay para batiin kayo ng Happy Father's Day!

Siyanga po pala, humihingi ako ng kapatawaran dahil maaga ko kayo'ng ginawang lolo. Imagine 'tay, 19 anyos pa lang ako at pagraduate pa lang ng kolehiyo ng biglain ko kayo sa balita na nakabuntis ako. Bagamat hindi ko nakita ang galit nyo, ramdam ko ang disappointment ninyo sa inyong unico hijo. Nag-alala kayong baka hindi na ko makapagpatuloy ng pag-aaral at masira ang kinabukasan ko. Ganunpaman, nakahinga kayo ng maluwag ng makita ninyo akong nagsikap na makatapos. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang paghahanda sa parating ninyong apo. At isang buwan na lang bago ang graduation, sinilang ang batang babae na ngayo'y nagbibigay ngiti sa ating lahat.

Maraming salamat 'tay sa suporta na inyong ibinigay sa akin at sa inyong apo. Bagamat hindi buo ang aking sariling pamilya, hindi ninyo ako pinabayaang mag-isang alagaan at turuan ng mabuting asal ang aking anak. Salamat sa pagta-tricycle ninyo, naibili ko ng gatas si Micah noong panahong wala akong trabaho. Salamat sa iyo at di nyo siya pinabayaan ng ako'y magpasyang magpunta ng Dubai para sa kinabukasan niya. Salamat din po sa laging pagpapasensiya ninyo sa katigasan ng aking ulo. Salamat dahil sa bawat pagkadapa ko, nandiyan kayo para muli akong ibangon.

Kung bibigyan ako ni Papa Jesus ng pagkakataon na pumili ng magulang. Buong puso ko pa rin na sasabihin sa Kanya na kayo pa rin ni Nanay ang pipiliin ko. Ang mga parangal na aking nakuha mula sa aking pag-aaral, ang mga promosyon at pagasenso ko sa aking trabaho, at ang isang magandang bahay na kakapundar pa lamang mula sa dugo at pawis ko, lahat ng iyan ay alay ko kay Nanay at sa Iyo.

Ano ba yan! Sabi ko kanina di ako magiging emosyonal eh. Pasensiya na 'tay ha. Minsan ko lang kasi kayong sulatan. Hindi ko naman kayang sabihin ang mga isinulat ko dito sa inyo ng personal dahil baka bumaha ng luha sa buong Muntinlupa. Kaya bago pa tumulo ang luha ko, sasabihin ko na lang dito ang kanina ko pa gustong sabihin:

Tatay, Mahal na mahal kita.

Ang iyong anak,



► About the Author:
Arvin is PEBA's Vice chairman of PEBA 2011 blog Awards and Head of PEBA Volunteers' Team. He is based in Manila, Philippines and presently working as a Call Center supervisor. An active blogger, follow his literary blog in Damuhan - blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy, and The Bum Upstairs

► Read Arvin's previous articles here.

click here to comment… for bloggers

2 Reactions:

LordCM said...

gaya mo, maaga rin akong nakabuntis, 6AM lolzz, oo, nag-aaral pa din ako nung nagkaanak ako..pero walang pagsisisi, at gaya mo pilit ko ring tinapos pag aaral ko para mabigyan ng magandang bukas ang anak ko...

happy father's day sayo pre :)

Anonymous said...

natawa ako sa 6am ni from the dungeon. early morning talaga dapat? ako hapon na nabuntis e. lolz.

maligayang buwan ng mga ama sainyong dalawa. God bless you both. :)

Post a Comment