in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

A Father from the dungeOn

By: Yanah Bautista

Taong 2008 nang makasalauha ko sa isang forum itong taong ito. What caught my attention eh ung manner nya ng pagreply sa mga kaforumers. Habang nagiinglisan ng bonggang-bongga ang mga forumers, sya talagang sinasagot nya in tagalog na sa pag-aakala ng iba eh walang sense, walang nutrients ang mga sagot nya but its the other way around. Nakilala siya maige sa Nonsense Thread sa BCO (Baguio City Online) Forum, na syang pinakamahabang thread sa nasabing forum na inabot ng 443pages up to this day. Nonsense Thread, iniisip nyo siguro na ang laman nung thread na ito ay kung ano ang titulo. Diyan kayo nagkakamali, laman nito ang samu't-saring mga topic na napapagdiskusyunan, napapagdebatehan ng mga intelektwal na tao na sa tingin ng iba ay walang kakwenta-kwenta. Hindi lang isa or dalawang pagkakabigan ang nabuo dito. Hindi mo na mabilang kung ilang ugnayan ang nabuo, ugnayang pinagtitibay ng mga salitang kaibigan, tiwala at kawanggawa. To others it may seem as really Nonsense but to those people na naging bahagi ng thread na yun, it meant a lot, Yun si CM.. sa totoo lang mukhang nonsense talaga yan. But you just really have to try talking to this guy... at intindihin mabuti ang mga sinasabi nya para masabi mong “punung-puno sya ng sustansya”.

Siya ang tinaguriang Lord of the Dungeon sa kung anong dahilan, hindi ko na maalala. Ang alam ko naitanong ko na sa kanya kung bakit from the Dungeon sya nakalimutan ko lang ang sagot nya. Nung mga panahong nakilala ko sya dakilang forumer pa lang siya, hindi pa sya nagba-blog nun. Sa BCO, mas kilala sya sa mga posts nya tungkol sa love and relationships na topic, mas marami siyang nasasabing maganda at kapaki-pakinabang (nasasabi ko yan kasi dun ako nakakarelate) Ma-emote-emote din yang si CM eh... CM known to many peeps online..Charlie Montemayor sa totoong teleserye ng buhay. (tunog haciendero lang diba?) magaling magbigay ng payo yan mapa-career or in general pero mas lalo tungkol sa pag-ibig... maraming alam yan... (ganun daw kasi talaga ang mga matatanda madaming alam) I've known this guy for like 3+ years already, we haven't met kahit minsan, pero I can say na isang totoong tao sya, kahit na sa internet lang kami nagkakaugnayan, sa limang tao na kasama siya, siya at sya lang ang pagkakatiwalaan ko. In fact, ninong sya ng isa sa mga anak ko.
Marami siyang kwento. Kwentong kapupulutan ng aral (minsan hindi, hihihi, minsan kapupulutan ng tawa) Kwento tungkol sa trabaho, tungkol sa nakaraan nya (minsan at bahagyang-bahagya), tungkol kina malake, medyo malake at maliit, pero ang pinakamarami at ang hindi maubos-ubos na kwento nya ay ang tungkol sa mga anak nya. A very proud father to his children. Talagang uber sa proud sya sa mga talents and achievements ng mga anak nya.Pag sinimulan nya, hindi mauubos ang kwento nya tungkol sa kanila. Bida kung bida sila. Hehehe.

Sa tatlong taon naming magkakilala, madami-dami na rin kaming tsismis na naibahagi sa isa't-isa, mga napagusapang mga plano sa kung saan-saan, well mostly not for us. This guy has a big heart, mas malaki pa sa Palau. Siya ang pasimuno ng pag ngiti ng isang minuto. Last December lang ay successful na nai-launch (naks!) ang kauna-unahang outreach project ng Isang Minutong Smile kung saan namigay ng mga gamit pang eskwela ang IMS sa isang public school sa Baguio. Kulang-kulang 300 mga bata ang napangiti ng dahil sa kanya.

Marami siyang mga plano hindi lang para sa sarili niya, kundi para na rin sa ibang tao... ang makatulong. Just by merely talking to this guy, may matutunan ka (well, I must admit minsan hindi rin hehehe) but kidding aside, marami-rami na rin syang mga karanasan sa buhay na syang nagpatatag sa kanya at patuloy na nagpapatatag pa para mapanatili nya ang katinuan niya para maipagpatuloy ang kasalukuyang ginagawa nya ngayon, yan ay ang magsumikap ng husto para sa kinabukasan ng buong pamilya niya. Hindi biro ang malayo sa pamilya mo para maghanap buhay at ng mabigyan sila ng magandang bukas. Tinitiis nya lahat yan para sa pamilya nya. At times na nalulungkot sya, ang tanging tagatanggal yata ng lumbay nya ay ang panunuod ng mga teleserye.

Siya Si CM... Charlie Montemayor...a husband to his lovely wife, a good provider to his family... an OFW....a forumer...a blogger.....a friend......more importantly, a FATHER.

1 Reactions:

LordCM said...

Wow! Thanks dito Yanah! lolzz, di ko alam iko-comment ko kasi di pa napublish to nabasa ko na, ako pa nag ayos at nagpublish hehehe, nauna na ung emosyon ko bago ko pa mapublish to :D

Post a Comment