Bulaga! Kala mo di ako gagawa ng sulat para sa yo 'no? Hindi naman pwedeng mangyari na si Nanay lang ang sulatan ko eh pareho ko kayong magulang. Ganunpaman, pipilitin ko na hindi maging madrama ang nilalaman ng liham na ito. Yun eh kung kaya ko. Alam mo naman na emosyonal akong tao eh. By the way, malapit na ang araw nating mga ama. At kaya ko kayo sinulatan ay para batiin kayo ng Happy Father's Day!
Showing posts with label Arvin Bautista. Show all posts
Showing posts with label Arvin Bautista. Show all posts
GALAW-GALAW SA TAG-ARAW
By: Arvin Bautista
Napapansin n'yo ba ang unti-unting pagbabago ng panahon? Ang dati'y malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa ating mga mukha ay patuloy ng lumilisan. Nagsisimula ng uminit ang klima dito sa ating bansa. Isang indikasyon na parating na ang isa sa pinaka-masayang season. Tag-araw o tag-init, isa lamang ang ibig sabihin n'yan, summer is here!
Ngunit hindi makukumpleto ang tag-araw ng wala ang mga bagay na may kinalaman dito. Kaya naman minabuti ko'ng ilista ang ilan sa mga yon. Handa na ba kayo? Basa!
At iyan ay ilan lamang sa mga may kinalaman sa summer season. Huwag nating kalimutang mag-enjoy kahit pa mahirap ang buhay ngayon. Hindi natin dapat pagbawalan ang ating mga sarili na sumaya lalo na ngayong Summer!
Ngunit hindi makukumpleto ang tag-araw ng wala ang mga bagay na may kinalaman dito. Kaya naman minabuti ko'ng ilista ang ilan sa mga yon. Handa na ba kayo? Basa!
- SUMMER OUTINGS – taun-taon ay isinasagawa ng maraming pinoy ang pagdaraos ng kanilang summer outing. Kahit sabihin pang mahirap ang buhay, tiyak na magagawan ng paraan na mai-celebrate ito kahit sa simpleng paraan lamang. Marami ang pumupunta sa mga iba’t ibang beaches at resorts. Ang iba nama’y nagpupunta sa malalamig na lugar gaya ng Baguio at Tagaytay. O kung hindi nama’y namamasyal sa mga themed-parks gaya ng Star City at Enchanted Kingdom.
- MAHAL NA ARAW – Isang sagradong pagdiriwang kasabay ng summer na hindi mawawala sa tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay ang pagbibigay galang sa kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus. Ngunit alam nyo ba na isa ang isla ng MARINDUQUE sa dinadayo ng mga Pinoy at mga turista tuwing Holy Week dahil sa taunang pagdiriwang ng MORIONES FESTIVAL? Ito ay tungkol sa pagsasadula sa isang Kawal na Romano na si Longhino na pinugutan ng ulo dahil sa pagpapatunay na muling nabuhay ang ating Panginoon.
- BARANGAY SPORTSFEST – idinadaos ng bawat barangay tuwing summer. Madalas naman ay basketball ang sports na nilalaro lalo na kung kulang sa budget. Bawat kabataan ay magsosolicit ng pambili ng kanilang uniporme. Layunin ng sportsfest ayon sa aming barangay kapitan ay ang mailayo ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo tulad ng pagkalulong sa bawal na gamot.
- SUMMER CIRCUMSISION – aminin natin na ginagawa ito tuwing ganitong panahon dahil siyempre bakasyon ang mga mag-aaral. Sa aming lugar, sinasagawa ito ng aming munisipyo para sa mga pamilya na medyo kapos at hindi magawang dalin sa doctor ang kanilang mga binatilyo.
- PAGKAING PAMPALAMIG - tuwing summer, alam na nating hindi mawawala ang mga sumusunod na pagkain na siyang sumisimbolo sa buwan ng tag-init:
- Halu-halo – mga sangkap: minatamis na saging at kamote, melon, pinipig, kaong, nata de coco, ube, leche flan, monggo atbp. Lagyan ng yelo at gatas. Isang masarap na pampalamig na patok na patok tuwing summer!
- Saba con yelo – minatamis na saging na saba na may yelo at gatas, minsan may konting sago. Masarap na alternatibo sa halu-halo
- Mais con yelo – counterpart ng saba con yelo pero mais naman ang gamit.
At iyan ay ilan lamang sa mga may kinalaman sa summer season. Huwag nating kalimutang mag-enjoy kahit pa mahirap ang buhay ngayon. Hindi natin dapat pagbawalan ang ating mga sarili na sumaya lalo na ngayong Summer!
► About the Author:
Arvin is PEBA's Vice chairman of PEBA 2011 blog Awards and Head of PEBA Volunteers' Team. He is based in Manila, Philippines and presently working as a Call Center supervisor. An active blogger, follow his literary blog in Damuhan - blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.
► Read Arvin's previous articles here.

Ako'y Muling Nagmamahal
by : Arvin Bautista
ang salitang pag-ibig, aking kinalimutan
poot at galit, puso ko'y tinaniman
dala ng kabiguan sa dating kasintahan
ang lumigaya ang sarili, aking ipinagbawal
ako ay namuhay sa sakit at poot
tiniis ang mundo na sa dilim nababalot
handa ng sumuko at ayaw ng magmahal
kasawiang dinanas, sa mukha'y sumasampal
ngunit tila mapaglaro talaga ang kapalaran
pati ang pana ni kupido, kanyang nilaruan
tumama sa puso'ng matagal ng nasasaktan
pilit binuksan, sa galit ay pinakawalan
Tila isang liwanag ng bukangliwayway
ang bumalot sa akin at nagbigay buhay
ang puso ko'ng tila tagal ng nahihimlay
muli ay tumibok matapos mamatay
ang dati bilanggo ng lungkot at pighati
ngayo'y muling umiibig, may ngiti sa labi
sa pagdating ng tao'ng hinintay ng kaytagal
taas noo ko'ng sasabihing, ako'y muling nagmamahal!
► About the author: Arvin is PEBA's Vice chairman of PEBA 2011 blog Awards and Head of PEBA Volunteers' Team. He is based in Manila, Philippines and presently working as a Call Center supervisor. An active blogger, follow his literary blog in Damuhan - blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.

Subscribe to:
Posts (Atom)