Showing posts with label LordCM. Show all posts
Showing posts with label LordCM. Show all posts

Para Sa Iyo, Kaibigan

0 Reactions
Para sayo,

Tatlong taon na pagkakaibigan, ni hindi kita nakita ng personal o kahit man lang nakausap sa telepono, madalas online lang kung mag-usap tayo, asaran, kulitan, minsan pa nga iyakan kapag may mga problemang pinag-uusapan. Bestfriend na nga ang turing ko sayo.

A Father from the dungeOn

1 Reactions
By: Yanah Bautista

Taong 2008 nang makasalauha ko sa isang forum itong taong ito. What caught my attention eh ung manner nya ng pagreply sa mga kaforumers. Habang nagiinglisan ng bonggang-bongga ang mga forumers, sya talagang sinasagot nya in tagalog na sa pag-aakala ng iba eh walang sense, walang nutrients ang mga sagot nya but its the other way around. Nakilala siya maige sa Nonsense Thread sa BCO (Baguio City Online) Forum, na syang pinakamahabang thread sa nasabing forum na inabot ng 443pages up to this day. Nonsense Thread, iniisip nyo siguro na ang laman nung thread na ito ay kung ano ang titulo. Diyan kayo nagkakamali, laman nito ang samu't-saring mga topic na napapagdiskusyunan, napapagdebatehan ng mga intelektwal na tao na sa tingin ng iba ay walang kakwenta-kwenta. Hindi lang isa or dalawang pagkakabigan ang nabuo dito. Hindi mo na mabilang kung ilang ugnayan ang nabuo, ugnayang pinagtitibay ng mga salitang kaibigan, tiwala at kawanggawa. To others it may seem as really Nonsense but to those people na naging bahagi ng thread na yun, it meant a lot, Yun si CM.. sa totoo lang mukhang nonsense talaga yan. But you just really have to try talking to this guy... at intindihin mabuti ang mga sinasabi nya para masabi mong “punung-puno sya ng sustansya”.

Dapit Hapon

0 Reactions



May mga bagay na 'di na kayang kontrolin ng isang nilalang na tulad ko, tulad nyo, ni pigilan ay 'di magawa… Ito'y mga bagay na sadyang itinakda para sayo, para sa kung sino man… Ito'y itinakda dahil kailangan at may dahilan… at kung gagawin ang tama at ang karapat-dapat, tiyak ito'y kayang lagpasan…

Bukang Liwayway

0 Reactions



Bukang Liwayway kung ito'y tawagin, kung saan masisilayan ang munting liwanag. 'Di man natin inaasahan ngunit sadyang darating, sabi nga nila'y itinakda pagkatapos ng bawat gabi na sa buhay natin ay nagdaraan.

Miss na kita...

6 Reactions





Miss na kita,
alam mo ba?...

Minsan kala ko,
wala ka na..
Minsan kala ko,
di na tayo mgkikita…
Pero kahit minsan,
mwala ka sa aking isipan,
ay di ko inakala…

Miss na kita,
alam mo ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Malayo ka man,
iyo lang pakatatandaan,
lagi ka sa puso ko't isipan....

Pagmamahal na
inalay,
ngayon....
bukas....
magpakaylanman
lagi kong ipaparamdam.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Miss na kita
Alam mo ba?

Minsan kala ko
nakalimutan na kita...
Minsan mas gusto ko
pang mapuyat kaysa
mapanaginipan ka...
Minsan gusto kong
magpakalasing wag ka lang isipin...

Hindi ko alam
kung ano meron ka,
At sa lahat ng bagay
naroon ka...
Di ko man naisin
na mamiss kita,
pero un ang tutuo...
miss kita kahit
di ko alam kung nasan ka...

► Read LordCM's previous articles here.

Dapit Hapon...

0 Reactions



May mga bagay na di na kayang kontrolin ng isang nilalang na tulad ko, tulad nyo, ni pigilan ay di magawa...Ito'y mga bagay na sadyang itinakda para sayo, para sa kung sino man...Ito'y itinakda dahil kailangan at may dahilan...at kung gagawin ang tama at ang karapat dapat, tiyak ito'y kayang lagpasan...

Dapit hapon kung ito'y tawagin, kung saan nag aagaw ang liwanag at dilim. Di man natin kagustuhan pero ito'y itinakda, kailangan mangyari at kailangan pagdaanan...Ang maganda lang, ito ang nagsisilbing simula para mapaghandaan ang susunod na araw.

Kalimitan, iniisip natin na ang mga problemang dumaraan sa buhay natin ay isang kamalasan o isang masamang pangyayari na kahit di natin ginusto ay sadya tayong kinakapitan...minsan pa halos sisihin natin ang nasa itaas dahil sa sobrang hirap at sakit na nararanasan...pero kung tutuusin, nasa sayo lang naman kung paano mo ito malalagpasan, kung paano mo ito gagamitin para sa mga susunod pang pangyayari sa ating buhay ay magawa natin ng tama...

Ang problemang dumarating ay para lang dapit hapon, di kayang kontrolin o pigilan pero tiyak kayang lagpasan...Madilim man kung ituring pero ito ang panahon kung saan maaari kang makapag ipon ng lakas, itama ang lahat at paghandaan ang susunod na liwanag...

► Read LordCM's previous articles here.

Byahe ng Buhay

0 Reactions


Byahe ng Buhay ang sabi nga ng karamihan...byahe kung saan ikaw mismo ang drayber, ikaw ang masusunod kung kelan ka dapat lumiko, kung kelan dapat bilisan o bagalan ang takbo. Ikaw ang masusunod kung gusto mong huminto o magpatuloy...Dahil sa dinami-dami ng baku-bakong daan na iyong nadaanan, minsan 'di mo na alam kung kakayanin mo pa ung mga susunod pang daan...Tutuloy ka pa ba?

Oo nga't tayo ang drayber, tayo ang masusunod, pero 'di naman siguro ibig sabihin nu'n eh kung ano na lang 'ung gusto natin 'un na lang lage. Hindi man natin isipin o namamalayan, meron tayo'ng mga sakay, mga taong nakisakay o sumabay sa byahe'ng kahit ikaw ay 'di mo alam ang patutunguhan. Na sa bawat galaw ng manibela, sa bawat tapak sa gasolina, sa bawat paghinto, sila ang mas higit na naaapektuhan...Tutuloy ka pa ba?

Sabihin na nating totoo na ang buhay ay parang byahe na ikaw ang drayber, may mga pagsubok kang nadadaanan...at kung minsan pa ay nasisiraan ka, pero hindi ibig sabihin hihinto ka na at di na magpapatuloy. Baku-bako man ang daan, alam mong kakayanin mo, alam mong malalagpasan mo rin ang daang 'yun. Masiraan ka man sa daan, alam mo'ng may magagawa ka para maayos 'to. Hindi mo man kayanin and'yan SYA para ika'y tulungan. Tawag ka lang, siguradong magagawa agad ang sira mong buhay. Hindi man ngayon pero maghintay ka lang at ibibigay NYA 'un sa tamang panahon...e 'di, tutuloy ka na?

Nasa patag o baku-bakong daan ka pa lang n'yan...eh paano kung eto na ang susunod mong daraanan?

Tutuloy ka pa ba? O sasabayan ang agos ng buhay?

► ang imahe ay galing kay jerry8448
► Read Lord CM's previous articles here.

Muli akong babalik...

4 Reactions


Masarap nga kayang maging bata muli?

Nu'ng una ang nasa isip ko, ayaw ko nang balikan kung anuman 'yung nangyari sa akin nu'ng bata pa ako, o bumalik sa pagiging musmos na walang alam kundi ang pagiging bata...Dahil tulad ng sabi ni Jen, sapat na ang minsa'y naging bata ako. Ayaw ko na ring maranasan ang mga hirap na naranasan ko dati dahil ayaw ko nang balikan 'yung mga bagay na pinagsisihan kong gawin nu'ng musmos pa lamang ako...

Pero ngayon...ibalik man ako sa pagiging bata, mayaman man o naghihikahos, may magulang man o wala, busog man o walang laman ang tyan sa araw araw, o kahit ano pa'ng ibigay sa akin bilang isang bata...tatanggapin ko nang buong-buo. Hindi ko man maipaliwanag kung paano ko lalagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa akin, pero mas gugustuhin ko pang maging bata muli...

Bakit?

Sa pagiging musmos lang kasi mag-uumpisa ang lahat...

Doon lang ako muling makakabuo ng mga pangarap. Doon ko lang matutunan ang lahat ng mga bagay na kailangan kong matutunan para humarap sa panibagong araw. Doon ko lang mahuhubog kung anuman ang gustuhin ko sa hinaharap...

Oo, di natin alam kung ano ba'ng daratnan natin kung sakaling ibalik tayo sa pagiging bata...

Pwedeng isa kang anak-mayaman. Maaaring lahat ng gustuhin mo ay nakukuha mo. Pero pwede rin ang datnan mo ay ang paghihirap na nararanasan ng karamihang kabataan sa ngayon gaya ng imahe sa taas...

Pero naisip mo ba 'yung mga bagay na pagdaraanan mo? Ito ang mga bagay na nagpapatatag sa 'yo bilang tao. Ito ang mga sitwasyon kung saan matutunan mo kung ano ang mali at kung ano ang tama. Ito ang magtuturo sa 'yo kung paano mo haharapin ang lahat ng pagsubok na darating sa 'yo...

Mas mahirap ang pagdaraanan mo, mas magiging matatag ka sa mga susunod na araw...

Okey na ako sa ngayon. Kuntento sa kung ano ang mayroon ako: asawa, mga anak, kapatid, magulang, kaibigan, at mga mahal sa buhay; ganun din 'yung mga nagmamahal sa akin...

May kaunting problema pero alam kong malalagpasan ko...lahat naman tayo may problema, at dumaraan sa ganito...

Pero kung sakaling ibalik ako sa pagiging musmos dahil kinakailangan o kagustuhan ng Maykapal, tatanggapin ko at gagamiting aral para sa mas magandang hinaharap...

Sabi nga ni The Pope: Kung eto ba ang kapalaran natin eh bakit hindi?!! Hindi naman kasiguruhan ang pagiging mayaman para maging masaya ka...