Para sayo,
Tatlong taon na pagkakaibigan, ni hindi kita nakita ng personal o kahit man lang nakausap sa telepono, madalas online lang kung mag-usap tayo, asaran, kulitan, minsan pa nga iyakan kapag may mga problemang pinag-uusapan. Bestfriend na nga ang turing ko sayo.
Nung unang nagkaproblema ka gustong-gusto kong tumulong financially, pero may pamilya ako at masyadong maraming gastusin. Pero alam mo, hindi ako tumigil ng kakaisip ng paraan para kahit simpleng paraan makatulong ako sayo. Naalala mo ba yung Prayer Brigade ng mga Pinoy Bloggers para sayo? Ginawan ko pa ng image yun kahit di ako magaling sa graphics, ikinalat ko sa mga blogger, kasi alam ko, sa simpleng dasal na yun ay malakeng tulong na para sa mga may problema, lalo’t marami ang gagawa nito para sayo.
Alam ko nakatulong kahit kaunti ung Prayer Brigade na yun sa problema mo, gumaan kahit sandali ang dinadala mo. Pero alam mo bang pinag-awayan namin ni misis yun? Oo, buti pa raw ikaw ginagawan ko ng ganun. Ang nasa isip ko lang nun alam naman ng Diyos kung gaano ko kamahal ang pamilya ko at yung ginawa ko para sayo ay tulong lang sa itinuring kong kaibigan na gagawin ko rin sa iba pang mas nangangailangan kung sakali.
Naalala mo rin ba ung mga debate natin sa forum, kadalasan tungkol sa pagmamahal, pag-ibig, o basta usapang puso. Kasi naman, may panahon talagang magkaiba tayo ng paniniwala pagdating sa ganitong bagay, pero bandang huli nauuwi rin lang sa asaran, kulitan, pero kadalasan nagkakasundo tayo sa iisang opinyon na tulad ng tutuong magkaibigan hindi matatapos ang araw nila na hindi gagawin ang shakehands na simbolo ng friendship nila.
Ang dami ko pang gustong alalahanin sa tatlong taon na pagkakaibigan natin, pero hindi ko na siguro kailangang isa-isahin, baka umabot ng 100 pages to, maboring pa yung magbabasa lol
Ang gusto ko lang naman sabihin eh siguro sa tatlong taon na pagkakaibigan natin may mga pagkukulang ako bilang kaibigan sayo pero alam mo ba binigay ko ung buong tiwala ko sayo…dumating na nga sa puntong ikaw ang ginawa kong organizer, volunteer at taga-tanggap ng mga tulong mula sa mga kaibigan upang kahit papaano makatulong tayo sa mga mas nangangailangan.
Pero wala akong pinagsisisihan dun, nakita naman ung resulta eh, maraming ngumiting bata dahil sa yo. At dahil sa proyektong yun, malamang taon-taon ko nang gagawin ‘to hanggat may mga taong handang tumulong sa mga mas nangangailangan.
Yun nga lang, wala ka na.
At ako? Eto, iniwan mong sumasagot sa lahat ng tanong nila, Nagpapaliwanag sa kung bakit ka nagkaganun, pilit itinatayo ang pundasyon na muntik mo nang sinira, pilit na ipinaglalaban na huwag mawala ang tiwala ng iba sa akin na kung tutuusin ikaw ang may sala.
Ang dami naman kasi nila, friend…may Blogger, Forumer, OFW, tapos pati ung mga pinakilala ko sayo. Nakakasawa ring magpaliwanag sa kanila, pero kailangan kong gawin para mawala ung duda nila sa akin, para ung pundasyon na minsan kong iningatan ay hindi masira.
Tama na siguro to, friend. Masyado nang mahaba, gusto ko lang iparating sayo ang pinagdaraanan ko sa mga pinaggagawa mo.
Na-click ko na rin pala ung UnFriend sa FB, madali lang pala…at sana ganun din kadaling i-click ung tatlong taon na pagkakaibigan natin.
Ang iyong dating Kaibigan

► About the Author:
Visit LordCM's Blog and get to know him better

click here to comment… for bloggers
0 Reactions:
Post a Comment