Nu'ng una ang nasa isip ko, ayaw ko nang balikan kung anuman 'yung nangyari sa akin nu'ng bata pa ako, o bumalik sa pagiging musmos na walang alam kundi ang pagiging bata...Dahil tulad ng sabi ni Jen, sapat na ang minsa'y naging bata ako. Ayaw ko na ring maranasan ang mga hirap na naranasan ko dati dahil ayaw ko nang balikan 'yung mga bagay na pinagsisihan kong gawin nu'ng musmos pa lamang ako...
Pero ngayon...ibalik man ako sa pagiging bata, mayaman man o naghihikahos, may magulang man o wala, busog man o walang laman ang tyan sa araw araw, o kahit ano pa'ng ibigay sa akin bilang isang bata...tatanggapin ko nang buong-buo. Hindi ko man maipaliwanag kung paano ko lalagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa akin, pero mas gugustuhin ko pang maging bata muli...
Bakit?
Sa pagiging musmos lang kasi mag-uumpisa ang lahat...
Doon lang ako muling makakabuo ng mga pangarap. Doon ko lang matutunan ang lahat ng mga bagay na kailangan kong matutunan para humarap sa panibagong araw. Doon ko lang mahuhubog kung anuman ang gustuhin ko sa hinaharap...
Oo, di natin alam kung ano ba'ng daratnan natin kung sakaling ibalik tayo sa pagiging bata...
Pwedeng isa kang anak-mayaman. Maaaring lahat ng gustuhin mo ay nakukuha mo. Pero pwede rin ang datnan mo ay ang paghihirap na nararanasan ng karamihang kabataan sa ngayon gaya ng imahe sa taas...
Pero naisip mo ba 'yung mga bagay na pagdaraanan mo? Ito ang mga bagay na nagpapatatag sa 'yo bilang tao. Ito ang mga sitwasyon kung saan matutunan mo kung ano ang mali at kung ano ang tama. Ito ang magtuturo sa 'yo kung paano mo haharapin ang lahat ng pagsubok na darating sa 'yo...
Mas mahirap ang pagdaraanan mo, mas magiging matatag ka sa mga susunod na araw...
Okey na ako sa ngayon. Kuntento sa kung ano ang mayroon ako: asawa, mga anak, kapatid, magulang, kaibigan, at mga mahal sa buhay; ganun din 'yung mga nagmamahal sa akin...
May kaunting problema pero alam kong malalagpasan ko...lahat naman tayo may problema, at dumaraan sa ganito...
Pero kung sakaling ibalik ako sa pagiging musmos dahil kinakailangan o kagustuhan ng Maykapal, tatanggapin ko at gagamiting aral para sa mas magandang hinaharap...
Sabi nga ni The Pope: Kung eto ba ang kapalaran natin eh bakit hindi?!! Hindi naman kasiguruhan ang pagiging mayaman para maging masaya ka...

4 Reactions:
ang pagiging bata eh wala sa edad Sir! pwede k p ring maging bata khit mtanda o tumatanda ka na! hehe.. kasabay nung ang pagbuo ng mga pangarap hindi lng para sa'tin kundi para sa mga mahal natin sa buhay---mga anakmo! ahihi
very nice post LCM!
Kosa, hirap ata maging bata kapag tumatanda na lolzz batang isip :D
Pero tama ka, di man makabalik ang isang tao sa pagiging musmos, maaari pa rin syang bumalik sa pagkabata, buuin ang pangarap na hindi mo natupad at itama ang mga maling gawa sa pamamagitan ng mga nakapaligid sayo; ang mga anak mo...
thanks parekoy :)
ang bata daw paslit, este, madaling magpatawad, di nagtatanim ng galit... mahilig mag-aral, o magsaliksik, maraming energy... maraming pangarap
eh pag tumanda na?
pag tumatanda? wala na! tamad na lolzz gusto na uling maging bata dahil para sa kanila walang problema ang mga bata :)
Post a Comment