Alaala ng Ulan




Masayang binaybay ang madilim at makipot na daan patungo sa lugar na kung tawagin ay Paraiso ng Pag-ibig. Tinatawag na “Paraiso ng Pag-ibig” sapagkat ito ay isang lugar na kung saan ay nag-uumapaw ang kasiyahan, at lugar kung saan ay ramdam na ramdam ang pagmamahalan ng bawat isa.

Pag-ibig ay nag-uumapaw sa t’wing magkasama ang magkasintahan. Dalawang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana, pinagtagpo upang pagsaluhan ang uhaw na mga puso, mga pusong sabik sa pagmamahal.

Hindi maipaliwanag ang bawat sayang nadarama sa t’wing magkasama. Halakhak ng sinta ay parang isang nota na pinagtagpi-tagpi ng isang musikero, na kay sarap pakinggan. Bawat ngiti’y nakakatunaw, na kay sarap pagmasdan. Walang humpay ang saya kapag magkasama.

Kay sarap balikan ang nakaraan noong unang nagkakilala, mga unang pagtatagpo. Unang hindi makakalimutang date; malakas ang ulan na kung saan ay basang basa ang katawan. Kasagsagan ng ulan habang magkasukob sa isang payong, na noon ay nagpahiwatig sa tunay nararamdaman. Maulan din noon kung saan nakamit ang matamis na Oo! Mahal din kita! Ang sarap alalahanin ng mga sandaling kasama si Ella at ang ulan na nagpapaalala ng mga masasayang sandali. Ang ulan ay saksi sa walang hanggan pagmamahalan.

Binaybay noon ang lugar para ipagdiwang ang unang anibersayo ng pagmamahalan. Malakas ang ulan noong mga sandaling patungo sa lugar ng Paraiso ng Pag-ibig. Habang masayang tinutungo ang lugar, inaalala ang mga unang pagtatagpo at ang mga pagkakataon na magkasama. Hindi alam na sa sandali ding iyon ay ang una at ang huling anibersaryo na kasama si Ella.

Ang lugar na kung tawagin ay Paraiso ng Pag-ibig ay nagmistulang paraiso ng kadiliman. Namatay si Ella sa lugar na dati ay punong puno ng pagmamahal pero ngayon ay punong puno ng pighati at kalungkutan. Maulan at madilim ang kapaligiran noong nangyari iyon. Walang awang sinasaksak si Ella ng mga hindi kilalang mga tao. Walang magawa sapagkat nakagapos ang inyong abang lingkod. Ginahasa ng apat na mga kalalakihan. Sinaktan. Sinaksak hanggang sa binawian ng buhay. Ang ulan na dati ay kay sarap alalahanin pero sa kasalukuyan pinipilit na kalimutan.

Alaala ng ulan ay gusto ko ng kalimutan…



► About the Author:
Marco, a blogger and the owner of Kol Me Empi. He came from Surigao del Norte and currently based in Quezon City. He is an avid supporter/ volunteer of PEBA.

► Read Marco's previous articles here.

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment