Kasabay ng malakas na buhos ng ulan,
Ang lungkot sa pakiramdam,
Dumaloy ang tigmak na emosyon,
Kasabay ng tahimik na palahaw.
Nakagapos ang ulirat,
Sa naglipanang "mangmang",
Busabos ang tingin,
Sa estrangherong inaalipin.
Dumaloy ang luha,
Sa pagpatak ng ulan,
Nakaukit sa isip,
Pagsuko hindi masasambit.
Nagniningas na galit,
Ikukubli sa dingding,
Sa bukana ng pinto,
Ngiti ang ipaparating.
Naghahalukipkip na kirot,
Itatagong pilit,
Nakatayong matibay,
Iyan ang isasagot.
Ang daing sasarilinin,
Sa pagtila ng ulan ililibing,
Ginintuang puso ang yayakapin,
Sa kabila ng paninimdim.
Ang lungkot sa pakiramdam,
Dumaloy ang tigmak na emosyon,
Kasabay ng tahimik na palahaw.
Nakagapos ang ulirat,
Sa naglipanang "mangmang",
Busabos ang tingin,
Sa estrangherong inaalipin.
Dumaloy ang luha,
Sa pagpatak ng ulan,
Nakaukit sa isip,
Pagsuko hindi masasambit.
Nagniningas na galit,
Ikukubli sa dingding,
Sa bukana ng pinto,
Ngiti ang ipaparating.
Naghahalukipkip na kirot,
Itatagong pilit,
Nakatayong matibay,
Iyan ang isasagot.
Ang daing sasarilinin,
Sa pagtila ng ulan ililibing,
Ginintuang puso ang yayakapin,
Sa kabila ng paninimdim.
► About the Author:
Bhing is a former OFW based in Taiwan. A Top 7 Blog Winner of PEBA 2010 on her official entry entitled "Pagsasalamin sa Salitang Pamilya". She writes poems and poetries via her blog Gumamela sa Paraiso. She is now the new Editor-in-Chief and regular columnist for TKJ.
click here to comment… for bloggers Bhing is a former OFW based in Taiwan. A Top 7 Blog Winner of PEBA 2010 on her official entry entitled "Pagsasalamin sa Salitang Pamilya". She writes poems and poetries via her blog Gumamela sa Paraiso. She is now the new Editor-in-Chief and regular columnist for TKJ.
1 Reactions:
Nice one te bhing :) keep it up the good work..
Post a Comment