Isang hapon, araw ng Lunes, mga bandang alas-tres ng hapon pagkagaling sa eskwela habang naglalakad si Kurimeow pauwi ng bahay ay umaawit siya ng paborito niyang kanta mula kay Pusikat Duh!
“When I grow up, I wanna be famous, I wanna be a star, I wanna be in movies… When I grow up, fresh and clean, number one chick, when I step out of the scene… ”
Patuloy siya sa paglalakad sa may pusali ng madaanan niya ang isang kaibigan na nakatambay sa tindahan ng mga isda.
“Hoy, Kurimeow!” sigaw ni Pusabos sa kanya. “Pakendeng-kendeng ka pang naglalakad diyan habang kumakanta. Mamaya makita ka na naman ni Asungot at habulin ka.”
“Kaibigang Pusabos, okay lang naman na habulin niya ako. Habulin talaga ako kasi ang kyut ko kaya. Hehe…”
“Si Kyuting lang ang kyut. Pero bahala ka, kasi pati si Aspin nakita ko kanina kasama ni Asungot. Yari tayo dian mamaya gawin ka nilang hapunan. LOL” pang-aasar pa ni Pusabos kay Kurimeow.
“Naku Pusabos, ikaw kamo ang mag-ayos-ayos dian. Kaya walang nagkakagusto sa’yo eh. Lagi ka na lang nakatambay. You’re a dirty old cat. Mag-shower ka kahit minsan sa isang buwan. Joke. Hehe…” pagkasabi nito ay nagpaalam na si Kurimeow kay Pusabos.
Hindi pa siya nakakalayo ng may naalala siyang sabihin kay Pusabos , “Oo nga pala, payong kaibigan lang ah. Ugaliin mong maligo at maging malinis sa katawan. Seryoso ako. Kapag dinalas-dalasan mo yan. Babango ka na. Pero dahil friendship tayo kaya nagsasabi ako ng tapat sa’yo.”
“Henaku, alam ko naman. Kapag magkaibigan nagsasabi ng totoo kahit minsan masakit basta sa ikabubuti naman. Okay fine. Bye na. Magpapa-spa na ako. Now na.”
Tuluyan na ngang nagpaalam sa isa’t-isa sina Pusabos at Kurimeow. Bago makarating si Kurimeow sa kanilang bahay ay nakasalubong naman niya ang isa pang kaibigang pagala-gala.
“Kaibigang Pusanggala, saan ka na naman pupunta? Mukhang may date ah? Meron nga ba?”
“Nakow, wala ano. Alam mo naman ako. Mahilig lang talaga magliwaliw. Ikaw ata ang may date eh. Nakita ko si Galisaso sa may kanto. Inaabangan ka.”
“Hala. Kukulitin na naman ako nun. Kras kasi ako nun eh. Yoko nga sa kanya. Ang dungis tapos puro pa galis kasi hindi man lang marunong mag-tutbras kaya tuloy tulo-laway. Dapat kasi araw-araw nagtututbras. Pagkatapos kumain tsaka bago matulog. “
“May tama ka! Pero alam mo na ba ang latest kay Asungot?” pag-uusisa ni Pusanggala kay Kurimeow sabay kindat.
“Ano? Hindi na ba siya nakasimangot? Alam mo kaibigan. Minsan intindihin mo na lang yan si Asungot. Kaya lang naman yan laging nakasimangot dahil lagi niyo ring inaasar. Ayan tuloy parang pinagtampuhan ng tadhana.”
Nakikinig lang si Pusanggala habang nagsasalita si Kurimeow pero sa totoo lang kating-kati na ang kanyang mga paa.
“Mabuti pa kaibiganin mo siya. Tutal mahilig ka namang gumala. Ipasyal mo siya. Masarap kapag nakakapagpangiti ka ng kapwa. Pramis. Oh siya paalam na. Kailangan ko pang mag-praktis ng pang-audition ko sa singing contest eh. Bye girl.”
Malapit na sa Kanto si Kurimeow ng matanaw niya si Galisaso.
“Kurimeow may labs! Kanina pa kita inaantay. Dito na me kanina pa weh,” bulalas ni Galisaso kay Kurimeow.
“Kaibigang Galisaso, sabi ko naman sa’yo.. I’m not yet ready kahit sa puppy love. Tsaka, nag-aaral pa ako. Tutuparin ko muna lahat ng pangarap ko. Ikaw may pangrap ka ba? Kapag natupad mo yun o kapag napatunayan mong sa sarili mong kaya mong magsumikap, pwede na siguro. Okay ba yun?”
“Aba oo naman! May pangarap kaya akong maging wrestler. Hehe… idol ko kaya yung magaling na si Aso Cena.” pagmamalaki ni Galisaso. “Basta pramis me, you’ll wait for me ah.”
“Promises are made to be broken. Hindi ako nangangako pero may isang salita ako. Deal?”
Masayang umalis si Galisaso dahil simula nung araw na yun alam niyang may patutunguhan ang pagiging matyaga niya.
Pagdating sa bahay nadatnan niya nag kanyang mga kaibigan na nag-aaway. Si Pusakal at Askal. Halos araw-araw na lumipas walang ng ginawa ang dalawang ito kundi magkalmutan, maghabulan at mag-kagatan.
Pagpasok ni Kurimeow sa bahay, “Friends! I come in peace.” Sabay kanta ng “Ang magkaaway ipagbati, gumitna ka at huwag kumampi.” Natahimik sina Askal at Pusakal.
Maya’t maya pay dumating na rin si Aspin. Galing din siya sa eskwela kung saan isa siyang iskolar. Matalino at mapagkumbaba. Siya talaga ang taga-pamagitan. Peacemaker ng tropa.
“Get ready to rumble!!!!” sigaw ni Aspin pagpasok sa bahay. Natulala ang lahat. Naguguluhan.
“Wazzup?! Wazzup?!” usisa ni Kurimeow. “Ako’y nagugulumihanan.” Pagdurugtong niya.
“Surpresa! Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng buong tropa. Wala pala si Pusanggala.
Nagtataka pa rin si Kurimeow kung anong kaguluhan at may pagtitipon sa kanilang bahay. Kaya nagsimula na ring magtalumpati ang bawat isa. Pinangunahan na ni Astig.
“Hindi naman kailangan ng okasyon para magkaruon nang kasiyahan at salu-salo. Isang pasasalamat lang ‘to para sa’yo Kurimeow. Bilang pagtanaw ng utang na luob sa kagandang asal mo. Masaya kami dahil may kaibigan kaming nakakakita ng kamalian namin at naitutuwid kami sa maayos at mahinahon na pamamaraan.” paliwanag ni Astig, ang tigasing aso ng tropa. Siga pero sa totoo lang may pusong pusa.
“Pusanggala naman! Pusanggala naman!” kantyaw ng mga tropa. Duon lang nila namalayan na wala pa pala ang isa pa nilang kaibigan.
“Sorry I’m late. Hehe…” saktong sabi naman ni Pusanggala na kadarating lang. “Mas mabuti na ang huli, kesa absent. Pero, wag mawiwili. Ayan tuloy, nagmamadali akong tapusin ‘to.”
Dito nagtatapos ang araw ng Lunes nila Kurimeow at ng kanyang tropa. Marami pang araw ang sumunod at puro maganda na ang pangyayari at eksena. Sa madaling salita, nakapasa si Kurimeow sa audition. Sa ngayon kasama na siya sa grupong Kitty-kitty Girls. Well, they live happily ever after.

► About the Author:
Dahn Jacob – (Animus) is the author of Animus (Anonymous Sanctuary) and PEBA 2010 Grand Prize Winner with his entry Ang Bakal na Ibon sa Himpapawid.

click here to comment… for bloggers
0 Reactions:
Post a Comment