Unsent Letter

“Kung mabubuhay ako muli IKAW pa rin ang hihilingin ko sa DIOS na maging AMA ko”

Dear Papa,
Una po sa lahat, salamat sa Diyos dahil ikaw ang naging ama namin.
Alam ko po na hindi tayo mayaman sa materyal na bagay ngunit ang iyong wagas na pagmamahal na ipinadama sa aming magkakapatid ay higit pa sa pinakamahalagang bagay dito sa mundo.
Salamat po at pinalaki mo kaming may takot sa Diyos, marunong rumespeto at gumalang sa mga tao,magtipid,magtyaga at makontento sa buhay.

Salamat Papa sa patuloy mong pag-unawa sa mga ugali naming magkakapatid. Alam ko pong hindi kami mga perpektong anak, minsan nagkakamali po kami pero ni minsan hindi mo po kami pinagbuhatan ng kamay ngunit hindi ka po nagkulang sa amin ng pangaral...

You’re the Best Papa ^_^

Siya nga po pala, SALAMAT po sa araw-araw na pagmasahe ng aking mga paa... Nakakahiya man po sa inyo, ikaw po yong mapilit na dapat masahiin mo mga paa ko dahil alam mo pong pagod ang mga ito dahil kalalakad ko...

-----
Papa, namiss ko na po kayong makita na nakasuot ng sundalo niyong uniporme..
Naalala ko pa noong bata ako, lagi niyo akong dinadala sa barracks, alagang alaga ako ng mga sundalong under sa iyo. Namiss ko na po yung mga panahon na iyon.
Namiss ko na po yung panahon na lagi mo kaming dinadala sa mga lugar kung saan ka na assign... Dahil sa work mo po narating ko na ang dulo ng PILIPINAS.
Dahil din po sa pagiging sundalo mo dati, naranasan kong makasaksi ng gyera sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa TAWI-TAWI, kala ko nga po katapusan na ng buhay natin nun hehe... Pero thank God ligtas naman po tayo noon.

Pero ang pinaka ayaw ko lang po sa work niyo ay yung baril. Ewan ko po bat hanggang ngayon may trauma po ako sa tuwing nakakakita ako ng baril.


Ang tangi kong hiling lagi sa Diyos ay ang kaligtasan niyo ni Mama, sana po maging healthy kayo lagi.
Mukhang hindi ko po kasi kakayanin na makita kayo ni Mama na nahihirapan kung mayroon kayong karamdaman.

----------

Happy Father’s Day PAPA…
You’re the best Father for us.
We love you!!

Isa ka sa dahilan kung bakit lagi kong pinagdarasal na magising pa AKO araw-araw.



Nagmamahal,
Ate.



► About the Author:
Ms. Unnie Buendia is an active blogger who came from Bacolod City and currently lives in Davao City. She is the 2010 winner of PEBA "The most liked and The most commented in Facebook Award" on her entry "Pagmamahal ng Isang Ina sa kanyang Anak".
click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment