Proud Ako Kay Itay


Ang imahe ay mula kay Noel Ablon ng Saudi Arabia. 
Isa ang imaheng ito sa isang daan mahigit na kalahok sa 
PEBA Photo Contest nuong nakaraang taon.
Ang mahal kong Itay! Isa lang ito sa laging namumutawi sa aking bibig nung time na nawala na siya sa aming paningin noong taong 2003 habang ibinababa ang kanyang kabaong ang kanyang libingan. Nakakaiyak ang mga tagpo noon pero pilit kong nilalakasan ang aking kalooban dahil wala na rin kaming magagawa dahil kinuha na siya. Alam ba ninyo na napakarami ang nakiramay sa amin nung time na yun dahil si Itay ay napakabait sa ibang tao at maging sa aming pamilya isa siya sa maituturing kong "Perfect Father". Hindi pa rin naaalis sa aking isip kung gaano kahalaga ang mga oras na kami ay nagluluksa sa kanyang pagkamatay. Mahirap kalimutan ang mga kasiyahan at magandang pangyayari nung nabubuhay pa siya dahil nakatatak na sa aking puso at isip ang kahalagahan ng aking AMA.

Maraming bagay akong pinagsisihan nung magkasama pa kami sa bahay. Palibasa hindi ko pa noon naiisip kung gaano pala kahirap ang maging isang Ama dahil bata pa ako. Naalala ko pa noon kahit na hirap na ang kanyang katawan sa pagiging barbero ay pilit pa rin siyang kumukuha ng kostumer para lang may maipambili ng pagkain at mailatag sa aming harapan. Napakasakit talaga sa aking kalooban kapag naalala ko ang mga bagay na katulad ng ganyan noong buhay pa siya. Naalala ko rin dati na naiinis pa ako kapag tinatawag ang pangalan ko para hilutin ang kanyang likod dahil sa kanyang karamdaman, Ang bad ko talaga noon, nakakainis. Hindi ko rin makalimutan kapag pinagagalitan at sinasabihan niya ako na wag kong gawin ang mga bagay na ikapapahamak ko. Hays napapabuntong hininga tuloy ako ngayon mahirap pala maging isang Ama. Nalulungkot ako kapag naalala ko na hindi ako naging mabuting anak sa kanila nung siya ay nabubuhay pa.

Naalala ko tuloy nung lagi niya ako sinasabihan na wag na akong pumunta sa HOLIDAY PLAZA, Pasay para mag Video Games na inaabot ako ng madaling araw sa kalalaro ng "Street Fighter at Tekken". Iyon kasi yung kinababaliwan ko nung bata ako, mahilig din kasi ako sa mga barkada na inaaabot ng hating gabi sa daan para lang tumambay at makipag kwentuhan. Sobrang bad ko talaga noon. Nung tumuntong na ako ng college saka ko lang unti unting naiiwasan ang mga barkada dahil kailangan kong maging working student dahil medyo mahal ang tuition fee at hindi na ako kayang suportahan ni Itay. Pero hindi pa rin nawawala ang pangaral niya habang ako ay nag-aaral sa college kaya kahit paano nakikita ko pa rin ang kanyang suporta. Napakasarap ang maging tatay ang isang katulad niya kaya kahit wala ka na sa aming piling lagi ka pa rin laman ng usapan namin ng mga apo mo, kaya't "PROUD ako kay Itay".

Happy Father's Day Tatay Bhoy napakaswerte ko po sa inyo dahil pinalaki ninyo ako ng maayos kahit na hindi tayo gaano magkasundo dahil sa magkakaiba nating hilig. Nag iisa ka lang sa aming puso dahil bawat tao ay may iisang Ama sa mundo at para sa akin ikaw ang best father. Happy father's day "Tatay Bhoy".

Happy Father's Days sa lahat ng katulad kong Ama ng Tahanan...

God Bless sa mga pamilya natin.

Muling nagbabalik ang The KaBlogs Journal upang bigyang pugay ang mga Tatay na walang sawang nagmamahal, nagsisipag, nagtityaga at patuloy na nag-aaruga sa kanilang pamilya sa abot ng kanilang makakaya. Ang buwang ito ng TKJ ay inihahandog namin sa Inyo...Happy Father's Day, Itay!



► About the Author:
Alex Flores is a blogger from Doha, Qatar. His blog buhayOFW tackles about the life and experiences of an OFW. Visit his blog and get to know him better.

click here to comment… for bloggers

1 Reactions:

elpidiogarimbao said...

Happy father's Day rin po. God bless.

Post a Comment