in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Alak Solusyon ba sa Problema?


Sa buhay natin ay hindi maiiwasan na magkaroon ng suliranin, mga suliranin na hindi natin inaasahan. Minsan, pakiwari natin ay tila hindi na yata matatapos ang mga suliranin na dumating sa buhay natin. May mga suliranin na pakiramdam natin ay hindi na malulunasan. Mga suliranin na siyang sanhi ng kalungkutan at pagkabigo. Na minsan ay nakalimutan ng ngumiti.

Oo, alam nating lahat na ang problema ay may solusyon. Nasa isip lang natin na parang wala ng katapusan ang problema sa ating buhay o kaya wala na bang solusyon ang mga ito. Pero mali pala…
Oo mali tayo sa ating mga akala!

Dahil sa sobrang nalulunod tayo sa mga problema naisip nating tumungga ng isa… dalawa…tatlo… o apat na bote ng serbesa para kahit sa isang saglit man lang ay mawala ang mga suliranin sa ating buhay. Pero hindi natin iniisip na walang idudulot nito sa atin.

Sa halip na magpakalunod sa alak, bakit hindi mo subukang pumunta ng simbahan? At doon kausapin Siya ng buong puso. Isalaysay ang mga nangyayari, ang problema at mga hinanaing. Humiling na sana’y maayos ang lahat. Humingi rin ng kapatawaran sa mga kamaliang nagawa. Hindi 'yong puro tayo reklamo!

Tiyak unti-unti nating maramdaman ang kaluwagan sa ating mga puso. Na para bang nawala lahat ang naramdaman nating pighati. Na parang binigyan Niya tayo ng pag-asa na maayos din ang lahat.

Lahat ng suliranin na dumating sa iyong buhay ay pagsubok lamang at ito’y may solusyon. Basta h’wag tayong makalimot sa Kanya. Nakakalimot man tayo sa Kanya pero Siya ay ni minsan ay hindi makakalimot. Handa pa rin siyang makinig at magbigay tulong sa atin.

Hindi lahat ng suliranin sa ating buhay ay kayang solusyunan sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at kung anu pa man. Hindi ito ang paraan para lutasin kung anuman ang mga suliranin sa ating buhay. SIMBAHAN, at hindi beer house o ano pa man, ang pinakamagandang puntahan sa tuwing may problema, may mga hinanakit, may mga kalungkutan at pagkabigo. Sambitin lamang ang Kanya pangalan at magdasal ng mataimtim. Siguradong makakahanap ng solusyon sa lahat ng iyong problema.


► About the Author:
Marco, a blogger and the owner of Kol Me Empi. He came from Surigao del Norte and currently based in Quezon City. He is an avid supporter/ volunteer of PEBA.

► Read Marco's previous articles here.


4 Reactions:

chikletz said...

pwede kung both? hehe..
ganun kasi ako eh. syempre nagdadasal din naman ako. good girl din ako minsan pero pag gusto kong maging manhid alak ang hinahanap ko.. sarappp.. hahaha! adik lang.

iya_khin said...

hhhhhmmmm...alak? masusunog lang baga mo nyan mas lalong lalaki ang problema at butas pa ang bulsa!

prayer and guidance ni Lord ang katapat dyan no other things more than his presence....

Kosa said...

minsan kase, masnakakapag-isip sila ng mas-cool kapag may konting Tama.

pero depende sa TAO.. hehe

nice one parekoy!

Akoni said...

hindi ako umiinom ng alak..kaya hindi ko alam ang tama nito...hehehe

Post a Comment