❝Armenta❞
Tulala kami sa tuwing tatawagin kami ng nurse. Alam naming kailangan nanamang bumili ng gamot na nagkakahalaga ng sobra pa sa ginagastos namin sa pagkain sa araw-araw. Halos magdadalawang linggo na si Mama sa CCU noon. Pambayad pa lang sa kama n'ya, alam naming mahirap ng punuan.
Nag-aaral ako sa noon sa kolehiyo. Literal na pagod ang katawan ko dahil sa ruta ko araw-araw. Apat na oras na biyahe… balikan, mula bahay papuntang eskuwelahan. Halos siyam na oras sa paaralan, at ang natitirang oras ay para naman sa pagbabantay sa kaniya sa hospital habang nagre-review. Prelims kase noong nangyari ang lahat. Walang tulog, walang kain, puro lakad. Uuwi ako sa bahay upang maligo at magpalit ng uniporme para pumasok nanamang muli kina-umagahan. Dadatnan ko ang anak kong parang hindi na ako kilala. Walang buhay sa bahay. Ang dating sala na puno ng ingay at sigawan ay napalitan ng nakakabinging katahimikan.
Aneurysm. Hindi ko naintindihan ito noong una. Ano ba ang alam ko sa medical terms? Engineering ang kinukuha ako. Kailangan daw operahan si Mama sa ulo dahil sa may nagbarang ugat. Pero hindi kami pumayag kasi diabetic sya. Parang gumuho ang mundo ko noon ng kausapin ako ng doctor. Huwag na daw kaming masyadong umasa. 50/50 ang sitwasyon ni Mama, lalo na’t pangatlong stroke na n'ya 'yon.
Madalas nakatanaw sa kawalan ang Papa at bigla na lamang papatak ang mumunting luha galing sa kanyang puyat na mga mata. Halos madurog ang puso ko sa tuwing makikita ko s'ya. Alam kong nahihirapan sya dahil ang nagsisimulang negosyo n'ya lang ang inaasahan namin sa lahat ng gastusin. Tangan ang maliit na rosaryo at pigil ang pagluha, tinutungo ko ang maliit na dasalan sa loob ng ospital. Hindi ito ang tamang panahon upang indahin ang pagod. Hindi ito ang tamang pagkakataon upang sumuko.
Kung kani-kanino ako lumapit upang humingi ng tulong. Ako pa naman ang taong kasing taas ng langit ang pride. Umutang sa kung kani-kanino. Nagmaka-awa sa hindi naman kakilala. Kinapalan ko ang mukha ko sa pag hingi ng tulong o donasyon o kung ano man ang maaaring itawag mo doon. Para akong tinatapakan sa tuwing lalapit ako at “hindi” ang nakukuha kong sagot. Masakit para sa akin na tanggapin na wala silang maiaambag na tulong sa Mama ko.
Patuloy ako sa paghahanap ng makakapitan. Patuloy akong umaasa na nagsisinungaling lamang ang doctor. Malakas ang Mama, hindi s'ya basta basta bibitaw. Dinala ako ng mga paa ko sa Nazareno. Tuwing uuwi ako galing eskwelahan, hindi ko pinalalagpas ang pagsusumamo ko sa likod ng simbahan Niya. Iyak ang tangi kong sambit sa tuwing papasok ako sa loob. Luha ang tanging bulalas ng mga labi ko. Pagod na ako, subalit hindi ako maaaring bumitaw. Hindi ngayon. Hindi kailanman.
Inabot kami ng halos isang buwan sa ospital. Kung saang kamay ng Diyos kami kumaha ng halos kalahating milyong piso para ipantustos sa pangangailangan namin ng mga panahong iyon, hindi ko alam. Ang tanging kaya ko lamang ipaliwanag ay ang sunod sunod na pagdating ng tulong at panalangin mula sa mga taong hindi ko kilala. Bumuhos at umapaw ang pagmamahal mula sa kung sinu-sinong mga taong ayaw na lamang magpakilala. Gumaling si Mama. Ang inaakala naming hindi namin kayang lagpasang pangyayari ay binalot ng mirakulo. Halos isang buwan lamang din si Mama nagpagaling sa bahay. Para siyang hindi dinapuan ng sakit. Mali ang doctor na hindi na sya gagaling at parang lantang gulay na habambuhay na naming pagsisilbihan at aalagaan. Mali siya sa pagsasabing hindi na magtatagal ang ilaw ng aming tahanan.
Ang inaakala ko ring hindi ko na matatapos na semester sa eskuwelahan ay hindi natuloy. Pumasa ako, kahit na halos sa jeep at FX na ako mag-review at iniyakan ang lahat ng dapat kong pag-aralan. Pinagaling si Mama ng aming mga panalangin. Simula noong araw na iyon, napagtanto ko sa aking sarili na wala akong hindi kayang gawin para sa kanila. Wala akong hindi kayang ibigay at ilaan para sa mga taong mahalaga sa akin. Iyon ang simula ng pagiging matatag ko. Iyon din ang simula ng pagkakaroon ko ng mas matinding pananalig at paniniwala sa Kaniya.
Hindi Niya ako binigo. At kailanman, naniniwala akong hindi Niya ako bibiguin.
Ikaw? Ano ang hindi mo kayang gawin para sa taong minamahal mo?

► About the Author:
Rose is an active PEBA Core Group Volunteer and TKJ's new Editorial Staff. She is an OFW, working in a hotel as Front Desk Receptionist in Doha, Qatar. She regularly writes personal blogs at Rainbowbox and The Little Girl's Diary.
► Read Rose Marie's previous articles here.

0 Reactions:
Post a Comment