Akala Ko Hindi Kaya

Kala ko HINDI ko kaya
Kala ko ako na ang TALO
Kala ko wala ng PAG-ASA

Mahigit isang taon na pala ang lumipas ng tayo’y naghiwalay.
Ang ating siyam na taon na pagsasama ay nauwi lang sa wala.
Mga pangarap na sabay nating binuo ay tuluyang naglaho at gumuho.

Para sa lalaking una kong minahal:
Alam kong nasaktan ka sa desisyon kong maghiwalay na tayo.
Hindi sa ayaw kitang bigyan ng second chance pero takot lang akong masaktan mo muli.
Hindi sa duwag ako, ayaw ko lang mawala ang respeto ko sa sarili.
Alam mong minahal kita nang tapat, alam mong ginawa ko ang lahat para lang ma-save ang ating relasyon, alam kong may mga pagkukulang ako pero sapat ba yung saktan mo ako at ang pamilya ko?
Alam kong walang perpektong tao sa mundo pero sana nirespeto mo naman ako bilang isang babae.

Pero kahit ganito pa man ang kinahantungan ng ating relasyon,
Nagpapasalamat pa rin ako sa iyo.
Dahil sa iyo marami akong narealize sa buhay ko...
Narealize ko:

- Kaya ko palang mabuhay ng wala ka
- Kaya kong matulog mag-isa, mamuhay mag-isa, mas lalo ako naging close sa family ko.
- Marami man akong nasayang na luha sa iyo, pero marami mas marami pala akong kaibigan na nandiyan palagi para magpangiti sa akin.
- Nasaktan mo man ang puso ko, may tao namang tumulong sakin para makapag-move on ako.
- Kung hindi tayo nagkahiwalay, hindi ako mapapadpad sa mundo ng blogging, sa mundo ng blogging marami akong nakilalang mga kaibigan, masaya ako at may nasumpungan akong ilang totoong kaibigan, kahit nakilala ko lang sila sa cyberspace. Yung iba na meet ko na ng personal at nakabonding na din.
Salamat sa kanila dahil marami akong natutunan tungkol sa buhay buhay.
Natutunan kong paano lumaban, harapin at ngitian ang problema.
- Higit sa lahat narealize kong kaya ko pa palang umibig ulit. Kala ko tuluyan ng magiging bato ang puso ko dahil sa sakit na narasanasan ko mula sa iyo. Salamat sa taong nagmamahal sakin ngayon. Dahil sa kanya mas lalo kong masasabi na ”LIFE IS SO BEAUTIFUL”

Alam kong may rason ang Diyos bakit nahantong sa ganito ang ating pagsasama... Marahil gusto Niyang ituro sa atin na...
“KAYA PALA NATING MAGING MATATAG KAHIT WALA NA TAYO SA ISA’T ISA”


► About the Author:
Ms. Unnie Buendia is an active blogger who came from Bacolod City and currently lives in Davao City. She is the 2010 winner of PEBA "The most liked and The most commented in Facebook Award" on her entry "Pagmamahal ng Isang Ina sa kanyang Anak".


0 Reactions:

Post a Comment