GALAW-GALAW SA TAG-ARAW

Napapansin n'yo ba ang unti-unting pagbabago ng panahon? Ang dati'y malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa ating mga mukha ay patuloy ng lumilisan. Nagsisimula ng uminit ang klima dito sa ating bansa. Isang indikasyon na parating na ang isa sa pinaka-masayang season. Tag-araw o tag-init, isa lamang ang ibig sabihin n'yan, summer is here!



Ngunit hindi makukumpleto ang tag-araw ng wala ang mga bagay na may kinalaman dito. Kaya naman minabuti ko'ng ilista ang ilan sa mga yon. Handa na ba kayo? Basa!
  1. SUMMER OUTINGS – taun-taon ay isinasagawa ng maraming pinoy ang pagdaraos ng kanilang summer outing. Kahit sabihin pang mahirap ang buhay, tiyak na magagawan ng paraan na mai-celebrate ito kahit sa simpleng paraan lamang. Marami ang pumupunta sa mga iba’t ibang beaches at resorts. Ang iba nama’y nagpupunta sa malalamig na lugar gaya ng Baguio at Tagaytay. O kung hindi nama’y namamasyal sa mga themed-parks gaya ng Star City at Enchanted Kingdom.
  2. MAHAL NA ARAW – Isang sagradong pagdiriwang kasabay ng summer na hindi mawawala sa tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay ang pagbibigay galang sa kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus. Ngunit alam nyo ba na isa ang isla ng MARINDUQUE sa dinadayo ng mga Pinoy at mga turista tuwing Holy Week dahil sa taunang pagdiriwang ng MORIONES FESTIVAL? Ito ay tungkol sa pagsasadula sa isang Kawal na Romano na si Longhino na pinugutan ng ulo dahil sa pagpapatunay na muling nabuhay ang ating Panginoon.
  3. BARANGAY SPORTSFEST – idinadaos ng bawat barangay tuwing summer. Madalas naman ay basketball ang sports na nilalaro lalo na kung kulang sa budget. Bawat kabataan ay magsosolicit ng pambili ng kanilang uniporme. Layunin ng sportsfest ayon sa aming barangay kapitan ay ang mailayo ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo tulad ng pagkalulong sa bawal na gamot.
  4. SUMMER CIRCUMSISION – aminin natin na ginagawa ito tuwing ganitong panahon dahil siyempre bakasyon ang mga mag-aaral. Sa aming lugar, sinasagawa ito ng aming munisipyo para sa mga pamilya na medyo kapos at hindi magawang dalin sa doctor ang kanilang mga binatilyo.
  5. PAGKAING PAMPALAMIG - tuwing summer, alam na nating hindi mawawala ang mga sumusunod na pagkain na siyang sumisimbolo sa buwan ng tag-init:
    • Halu-halo – mga sangkap: minatamis na saging at kamote, melon, pinipig, kaong, nata de coco, ube, leche flan, monggo atbp. Lagyan ng yelo at gatas. Isang masarap na pampalamig na patok na patok tuwing summer!
    • Saba con yelo – minatamis na saging na saba na may yelo at gatas, minsan may konting sago. Masarap na alternatibo sa halu-halo
    • Mais con yelo – counterpart ng saba con yelo pero mais naman ang gamit.

At iyan ay ilan lamang sa mga may kinalaman sa summer season. Huwag nating kalimutang mag-enjoy kahit pa mahirap ang buhay ngayon. Hindi natin dapat pagbawalan ang ating mga sarili na sumaya lalo na ngayong Summer!

► About the Author:
Arvin is PEBA's Vice chairman of PEBA 2011 blog Awards and Head of PEBA Volunteers' Team. He is based in Manila, Philippines and presently working as a Call Center supervisor. An active blogger, follow his literary blog in Damuhan - blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.
► Read Arvin's previous articles here.

2 Reactions:

Nortehanon said...

Sadyang napakaraming dahilan para ma-enjoy ang summer...except yung pagpapatuli hehehe

RHYCKZ said...

natawa naman ako sa yo Ms. N, pero sadyang totoo na marami kang magagawa kapag summer at isa pa masasarap ang mga prutas gaya ng indian mango, pakwan, melon, singkamas at siyempre ang mga fiesta tuwing mayo...lolz

Post a Comment