Alaala Ng Tag-init



Sa ganitong panahon ay naalala ko ang karanasan naming magkakababata labindalawang taon na ang nakakaraan. Si Ednhel, Erwin, Eboy, Leonel at Ako. Sa Isla ng Cabra kung saan kami namulat.


Agad kaming nagpupunta sa dalampasigan para maligo,nagtatampisaw sa mababaw na bahagi ng tubig, may nakadamit, nakahubad at lahat ay nakapaa. Habulang buwaya ang laro namin noon, palakasan ng pitik sa tubig at kung sino ang mas may mahinang tunog ang siyang magiging taya at tatawaging buwaya na kung saan ang buwayang ito ay manghahabol ng tao para mahawakan at syang gagawing susunod na taya o buwaya. Sa takot na maging taya , lahat ay unti unting lumalayo sa buwaya ayaw magpahuli, ayaw maging taya langoy dito, langoy doon kubli dito, kubli doon, may nang-aasar pa at dumidila dila kasi hindi sya mahuli huli.

Sa kasagsagan ng aming laro si Leonel ay biglang nawala, natapos ang aming laro nang may takot hinanap namin si Leonel, sigaw dito, sigaw doon, lumuluha kaming lahat sa kakahanap sa kanya humingi kami ng tulong sa iilang taong napapagawi sa dagat ngunit sila ay malayo sa aming kinalalagyan kaya aming pagtangis at hiyaw ay walang kinahantungan namayani na ang takot, ang kaba ang luha, ang hikbi , ang hiyaw.


Leonellll......Leonelllll......Leonellllll!




Ang hiyaw namin may halong pagtangis.



Asan ka??? Lumabas ka na ! Tapos na ang game! huhuhu



Leonelllllllllllllllllllllllllllllllllll........

Ayunnn!!! Ayunnn!!! Ayunnnn!!! Si Leonel ang malakas na sigaw ni Erwin. Agad kaming tumakbo sa kanyang kinalalagyan hirap kaming tumakbo dahil mataas na ang tubig pero pinilit namin makarating agad malapit sa kinalalagyan ni Leonel.

Si Leonel, nasa malalim na bahagi ng tubig nakakapit sa bato at sa ilang sandali ay maaring madala ang bato sa lumalakas na agos. Ang kahoy ang sigaw ko! Inihain namin ang kahoy para mahawakan nya at mahila namin nanginginig ang aking mga tuhod sa sobrang takot na nadarama nang makahawak siya unti-unti naming hinila sabay palakas ng loob na kumapit siyang mabuti para di sya mapabitaw. Umiiyak kami at lalo higit si Leonel nang makuha namin nanginginig ang kanyang mga labi agad kami pumunta sa dalampasigan nagrelax at nagpawala ng kaba.



Isang pangyayaring naging pundasyon ng malalim naming pagkakaibigan si Leonel sa paglipas ng maraming taon ay patuloy na nagpapasalamat sa pagligtas ng kanyang buhay. Ang kwentong nakatatak sa kukuti naming magkakaibigan na hindi malilimutan. Libong tag-init pa man ang dumaan.

► About the Author:
Jay-Solemar, a blogger and the owner of JAY RULEZ. He came from Calamba, Laguna and currently based in Quezon City. He is an avid supporter of PEBA.

2 Reactions:

Nortehanon said...

Isang napakalungkot na alaala ng summer. Subalit kwento rin ito ng pag-usbong ng lalo pang matatag na pagkakaibigan.

Anonymous said...

Story ng tunay na magkakaibigan. Buti naligtas sya.

Post a Comment