Ako'y Muling Nagmamahal

by : Arvin Bautista

ang salitang pag-ibig, aking kinalimutan
poot at galit, puso ko'y tinaniman
dala ng kabiguan sa dating kasintahan
ang lumigaya ang sarili, aking ipinagbawal

ako ay namuhay sa sakit at poot
tiniis ang mundo na sa dilim nababalot
handa ng sumuko at ayaw ng magmahal
kasawiang dinanas, sa mukha'y sumasampal

ngunit tila mapaglaro talaga ang kapalaran
pati ang pana ni kupido, kanyang nilaruan
tumama sa puso'ng matagal ng nasasaktan
pilit binuksan, sa galit ay pinakawalan

Tila isang liwanag ng bukangliwayway
ang bumalot sa akin at nagbigay buhay
ang puso ko'ng tila tagal ng nahihimlay
muli ay tumibok matapos mamatay

ang dati bilanggo ng lungkot at pighati
ngayo'y muling umiibig, may ngiti sa labi
sa pagdating ng tao'ng hinintay ng kaytagal
taas noo ko'ng sasabihing, ako'y muling nagmamahal!


► About the author: Arvin is PEBA's Vice chairman of PEBA 2011 blog Awards and Head of PEBA Volunteers' Team. He is based in Manila, Philippines and presently working as a Call Center supervisor. An active blogger, follow his literary blog in Damuhan - blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.

3 Reactions:

Noel Ablon said...

Ito bang tulang ito ay mula sa nabigong pag-ibig? O ito'y isa lamang inspirasyong likha ng takot na damdamin?

Pero isa lang naman ang gamot sa sugat na dulot ng pag-ibig at ito ay ang muli kang umibig.

Galing!

Francis Morilao said...

himig ng iyong saloobin
ka'y gandang pakinggan
parang batubalani sa kasalukuyan

nawa'y ikulong ka ng tanikala
upang magapos ka sa iyong pagsinta
na ang pagmamahal ay angkinin mo sa tuwina

bow…

Gumamela said...

Ang pag-ibig ay mahiwaga,
Hindi natin mahuhulaan ang kasunod na kabanata,
Kung ika'y nabigo at lumuha,
Darating ang araw ikay sasaya.

Huwag kang pagagapos sa kahapon,
Putulin ang bigkis na nagpapabaon,
Alaalang mapait maging hamon,
Harapin ang ngayon at ilibing ang kahapon :)

Post a Comment