PEBA EXPERIENCE - PEBA 2010 Top 4



Sa totoo lang wala pa akong masasabing fullfilment sa buhay. Kahit ilan taon na akong graduate parang pang-fresh grad pa din ang career ko. Maraming kapalpakan, in short.

Napag-iiwanan na ako ng ka-batch at kakopyahan sa klase.

Gumawa ako ng blog para aliwin ang sarili ko. Wala akong balak i-share. Ako lang at ang multiple personality ko ang nakakaalam ang Blog URL. Gumawa ako ng mga short stories na ang mga experience ko ang bida. Hanggang sa nakornihan ako. Sulat ako ng sulat ng mga kapalpakan, wala naman akong ginagawang improvement sa buhay ko… So gumawa ako ng mga entry na pwedeng maging inspirational sa mga kagaya kong jologs. Kumbaga may makakarelate na sa sinasabi ko. Pumatok naman kahit paano sa mambabasa.

Sumali ako ng PEBA noong panahong tambay ako. Sumasapit ang hapon bago ko masuklay ang aking buhok. Napadaan lang ako sa blog noon ni Rose (Rainbowbox) para magshow ng support sa entry niya. Alinlangan ako sumali kasi may botohan. Wala naman kasing masyadong follower ang blog ko noon. Nagulat na nga lang ako na mag-second sa highest vote ang entry ko. Nagpapasalamat ako kay Rose sa encouragement.

Habang tumatakbo ang contest, sinimulan ko na din maghanap ng trabaho. Sinimulan ko sa sarili ang pagbabago para naman makatotohan ang gusto kong iparating sa entry ko. Hindi dapat mawawala ang pagsisikap sa bawat tao dahil libre naman. Wala sa talino, galing sa klase, yaman o taas ng edukasyon. Lahat nakukuha sa pamamagitan ng pagsisikap.

Kasabay ng swerte kong makapasok sa TOP 4 ng PEBA nagkaroon na din ako ng trabaho.

Hindi lang ang sarili ko ang nag-improve, bukod sa nagkaroon na ako ng fullfilment nagkaroon pa ako ng way para makainspire din ng iba.

Sa ngayon, lahat ng bloggers ay hinihikayat kong makibahagi para makapagbigay din ng inspiration sa iba.




► Tuyong Tinta ng Bolpen - PEBA 2010 Top 4
OFW Supporter Division
Joel Laig

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment