Laro




Tila tayo mga batang musmos,

Sa ulan ay naglaro ng lubos,

Mga batang paslit,

Nagtampisaw ng pilit.

Pagpapatianod ng bangkang gawa sa tsinelas,

Habulan sa gitna ng ulan,

Habulin mo ako,

Takbo pa tayo.

Hindi ba’t kay saya,

Kung minsang mabalikan,

Mga panahong nagdaan,

Sarili’y mabigyang laya.

Sa buhos ng ulan saglit na nawaglit,

Pagdaramdam na sadyang kay pait,

Halakhakan sa gitna ng ulan,

Kaligayahang walang hanggan.

Kalimutan natin ang lahat sa mundo,

Sandaling bumalik sa pagkamusmos,

Sandaling talikuran wag lamang lubos

Sa paghina ng ulan, kasabay ang balik ng lungkot,

Mga ngiting napalis, mukha’y biglang nalukot,

Tapos na ang laro.

Tapos na ang ulan.




► About the author:
About the Author : Midnight In Athens


click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment