❝Iba ang ulan dito.❞ Hindi niya mapigilang mapa-buntong-hininga. Nakatingala siya sa langit at hinahayaang pumatak ang ambon sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nababasa hindi lang ang kanyang mukha kundi pati ang kanyang diwa. Lumalaki na ang mga patak kaya't nagtatakbuhan na ang mga tao. Kanya-kanyang silong ang mga ito sa mga waiting shed, ilalim ng puno at sa malapit na gazebo ni Mariang Banga. May ilan na tumatakbo, nakatakip ang bag sa may ulo kahit na hihigupin din ng bag ang tubig at mamaya ay mababasa ang laman nito.
Nagtataka pa rin siya kung bakit walang ni isang tulad niya ang tumitigil para maramdaman ang ulan. Hindi ba nila alam na, “Iba ang ulan dito.” Ngumiti siya at hinayaang dalhin siya ng sariling isipan sa mga dahilan kung bakit nga ba kakaiba ang ulan sa Elbi.
Dahil ang ulan sa Elbi, mapagmahal. Hindi iilang beses na nakasabayan niyang umuwi ang isang magandang babae dahil sa pasaway siya at hindi na kasya sa bag niya ang payong na binigay ng nanay niya para daw gamitin kapag umuulan. Galing sa bangko ang payong na iyon at kasya ang apat na malalaking tao. Mabigat at parang tungkod. Hindi naman niya gustong magdala ng labis pa sa dapat niyang dalhin.
Romantiko siya tulad ng kanyang ama, na ang sabi, “Sa ilalim ng isang payong kami nagsimulang magmahalan ng mama mo.” Kaya malakas ang sampalataya niyang sa ilalim ng isang payong, matatagpuan niya ang tunay na pag-ibig.
Dahil ang ulan sa Elbi, malakas ang dating. Hindi iilang beses na tinangay ng ulan ang mga foldable na payong ng mga estudyante. Hindi iilang beses na naging tulad siya ng mga iskolar na tumatakbo na ang bag ang ginagamit na pamprotekta sa ulan. Pero nang mga huling taon, natutunan niyang magdala ng jacket para gamiting pamprotekta hindi lang para sa kanya kundi sa kasalo niya sa tag-ulan.
Dahil ang ulan sa Elbi, naitatago ang mga luha. Sa tuwinang gusto niyang pigilan na ang sarili sa pag-asa tungkol sa payong at sa pag-ibig, umuulan. Walang patos un. Kaya minsan pag meron siyang minamahal, natatakot na siya sa tag-ulan. Lagi na lang kasi, tuwing magsisimula ang pag-bagyo, wala na siyang kasalo sa ilalim ng payong.
Dahil pagkatapos ng ulan sa Elbi, maraming bahaghari. Mahirap makakita ng bahaghari sa siyudad. Mausok, maitim ang langit at madalas ay natatabunan ang bahaghari ng liwanag ng mga nagtataasang building. Hindi makabuo ng hiwaga ang araw at mga ulap. Nahirapan siyang mabuhay sa lugar na walang mga bahaghari. Nawalan na rin siya ng pag-asang makikita pa niya ang ginto sa dulo niyon. Wala iyon sa siyudad. Wala iyon sa ibang bansa. Wala un sa ibang lugar.
Nandito un, nandito kasi siya.
“Sira ka talaga, nagpapaulan ka na naman.” Hindi na niya maramdaman ang ulan. Nang imulat niya ang mga mata ang nakangusong mukha ng kanyang mahal ang bumungad sa kanya. Berde ang payong nito. Laging berde ang payong nito. Ilang berdeng payong na ang nabili, nasira, naiwala at naitapon nito. Lagi itong may payong, lagi siyang walang payong. Lagi itong nagagalit kapag nagpapaulan siya. Hindi niya naiisip na ang kaibigan niyang may malaking pantalon, maluwag at panlalaking t-shirt pala ang babaeng magiging kasalo niya sa lahat ng tag-ulan.
Nang umalis siya at nanatili ito doon, nagturo sa libo-libo pang mga iskolar na ayaw maulanan. Nangako siya sa sarili na babalik ng ilang beses pero hindi naman niya nagawa. Nang mapagod siya ng paghabol sa mga nawawalang bahaghari, ito ang kanyang binalikan. Lagi kasing ito ang unang nakakapansin ng mga iyon. Ngayon, hindi na siya matatakot kapag tag-ulan.

► About the author:
I am Pinaywriter.
If you knew me from elementary you were allowed to call me by my real name.
If I met you in High school and in UPLB, you knew me by my last name. Unless you're one of the few odd balls I allowed to call me by my other sweeter nicknames.
If you met me in the call center industry, you knew me by my last name with an e.
If you met me in the Online English industry then you knew me as Samantha.
If you knew me in Eduplaza, then it's Natasha for you.
If you met me online I am UPLBCHIC or Pinaywriter.
► She's one of the Nominee at PEBA 2011 Nokia Essay Writing Contest with her Entry NOKIA FAMILY.

click here to comment… for bloggers
0 Reactions:
Post a Comment