in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Ang Dala Ng Ulan




Kailan kaya titigil ang ulang ito,

Kanina pa ako naghihintay sa ‘yo dito,

Ako’y naiinip na at baka hindi ka darating,

Dahil sa ulan at malakas na hangin.


Salamat na lamang at ako’y nasa loob,

Kung hindi ako’y basang-basa mula ulo hanggang paa,

Makapunta nga sa gitna ng kuwartong ito,

Kung nasaan merong isang pugon.


Ako ay yumuko upang maramdaman ang init,

At ako’y mukhang isang pato,

Sana kung nandito ka lamang sa aking tabi,

Itong pugong na ito ay wala nang silbi.


Umuulan pa rin, malamig, madilim,

Parang ang lungkot tingnan ng langit,

Ngunit ang puso ko ay biglang sumaya,

Dahil ikaw at dumating na.



► About the Author:
Carnation is an OFW Blogger based in Thailand
click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment