Mga Bayani sa Paliparan






Sofia: Mama anong oras ba ang dating ng Airplane?

Shine: Malapit na baby, malapit na!

Belle: Hi, ang cute naman ng baby mo, nag-aantay din kayo ng Flight 632?

Shine: Oo, pauwi na kasi hubby ko.

Belle: Ah, from Qatar din?


Shine: Oo, ikaw, inaantay mo rin hubby mo!?

Belle: Oo, hehe, si papa, inaantay ko rin, for good na siya sa wakas

(Napatingin si shine kay belle, sa wari n'ya nasa mid-30's - 40's na si Belle:)

Belle: Nagpatuloy ng kwento, Project Designer si papa sa Qatar, almost 30 years na siya doon.

Ramon: Excuse me po!?
(Sumingit at nagtanong)

Belle: Yes po!?

Ramon: Dito po ba ang waiting area ng Flight 632?

Oo sagot ni belle, may darating din bang family member ka!?

Ramon: Medyo nalungkot, O-opo, si mama po, pasensya na po, bago lang kasi ako dito sa manila, taga Sulo po kasi kami.

Belle: Ah!

Ramon: Eh paano po kayo i-claim ang cargo!?

Shine: Wow susyal, may cargo pa si mama mo, matagal na siya sigurong OFW?

Ramon: Hindi po ate, casket po ang laman ng cargo.

Belle: Ay sorry kuya

Ramon: Namatay po si mama sa kanser, nagkaroon po siya ng kanser habang nag tatrabaho.

Shine: Sorry kuya

Flight 632 from qatar has just arrived

Belle: Kuya tara samahan kita sa information, shine mauna na kami. - TKJ


Kabayan, kalusugan ay ingatan, sa bawat sandali na dumaraan, isipin at pasalamatan. Ikaw ay aking hinahangaan, sa iyong katatagan, isang pagbati sa mga bayani ng paliparan





► About the Author:
Basahin ang iba pang fiction sa kanyang Blog na Mga Kathang Isip at Kwento ni Kiko. Sinusulat niya ngayon ang Kwento ng Buhay ni Navya, isang batang punong-puno ng kaalaman at kapighatian. Abangan!
► Read The Psalmist's previous articles here.
click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment