(Tulang aking isinulat bilang pagpupugay sa mga bayaning nakipaglaban para sa ating bayan.)
Isang bansa… isang lahi… bayang minimithi,
Paraisong maitatawag dahil sa angking ganda’t yumi;
Perlas ng silangan sa ati’y taguri,
Ng mga dayuhang minsan na ring yumurak sa ating inang lahi.
Bayan na halos ilang daang taong inapi,
Niyurakan at binusabos ng mga banyagang maitim ang budhi;
Binusalan ang bibig, nilatigo’t nagdulot ng hapdi,
Sa isip at sa damdamin ng mga anak ng ating lipi.
Mga buwayang pinagnasaan ang natatagong yaman,
Mga ngiting-aso’y nagtatahol sa ganid nang kasakiman;
Nagpupuyos sa galit ang bayang kanilang inagawan,
Nang karapatan at kalayaang nilustay dahil sa katakawan.
Hinayaang nakatiwangwang ang naghihingalong bayan,
Gumagapang nang nakahandusay di pa rin nilubayan;
Nagbingi-bingihan sa sigaw ng katarungan,
Ang mga demonyong nagpakilalang diyos na makapangyarihan.
Isang diwa ang nagising, isang tinig ang namutawi,
Nanuot sa damdamin ang himig na sawi;
Nais maaninag ang matagal nang pinakamimithi,
Ang masilayan ang tuwa at ngiti sa nanunuyot na labi.
Ang bulong ay napalitan ng hiyaw na nakabibingi,
Maladagundong na nagpayanig sa bayang-api;
Nagngangalit, naghihimagsik nais gumanti,
Sa delubyong naranasan sa kamay ng ibang lahi.
Sama-samang nag-alsa, naghimagsik, nakipaglaban,
Maitaboy lamang ang mga banyagang nag astang panginoon;
Dumanak ang dugo nadilig ang tuyong lupa ng katapangan,
Iisa ang sinisigaw, iisa ang layunin.
Maghimagsik! Kalayaan para sa bayan!
Lakas ng Pilipino laban sa lakas ng kanluran;
Hindi nagpagapi, hindi nagpatalo sa hangad na maangkin,
Ang kasarinlang pinagkait sa ating bayang sinilangan.
Ang sikat ng araw sumilip sa bayang inapi,
Hinaplos ang bayang uhaw sa yakap, may ngiti;
Ng tagumpay sa panunumbalik ng kalayaang matagal nang mithi,
Natanggal na ang piring sa mata at nasilayan ang bahaghari.
Ang dating paos na tinig ay nagsisimulang maghari,
Upang maisatinig ang himno ng pagpupunyagi;
Wala nang mang-aabuso, wala nang mang aapi,
Napalayas na ang mga dayuhan dahil sa magigiting na bayani.
Wala ng kadiliman… wala ng dapit-hapon,
Nanumbalik na ang liwanag ng katarungan;
Nagising na tayo sa bangungot ng kahapon,
Wala ng dusa at hinagpis na lalatay sa ating katawan.
Nakalipad na tayo sa hawla ng kasakiman,
Aawit tulad ng isang ibon sa kalawakan;
Malayang maglalakbay upang maabot ang kasaganaan,
Katiwasayan at kapayapaan para sa ating inang bayan.
Hinulma ng panahon ang kasaysayan ng ating lahi,
Ang mga bakas ng kahapon ay marapat na hindi isantabi;
Oo nga’t ang kasaysayan ay nagbabago, ngunit di dapat iwaksi,
Ang mga bayaning nagbuwis ng buhay na siyang naging susi.
Sa pakikipaglaban sa kalayaaang tayo ngayo’y naging saksi,
Nagtatamasa dahil sa taglay na katapangang namumukod-tangi;
Mga bayaning Pilipino na dapat makilala ng susunod na salinlahi,
Inuna ang pag-ibig sa bayan bago ang kanilang sarili.
Isang bansa… isang lahi… ito ang aking bayan,
Bagong kasarinlan ay narito ngayon;
Patuloy na haharap sa hamon ng panahon,
Di palulupig sa anumang tangka ng kasakiman.
Magkakaisa, kapit-bisig, sama-samang lalaban,
Itataguyod nang buong katapangan ang inang bayan;
At taas- noo’y isisigaw sa buong sangkatauhan,
Isang bansa… isang lahi… ito ang aking bayan. - TKJ

► About the Author:
Kuya Poks, a blogger and the owner of OFW AKO Kuya Poklong. He is currently based in Kuwait. He's one of the Nominee at PEBA 2011 with his Entry Sa Muling Pagbubukas ng Tala Larawan.
0 Reactions:
Post a Comment