Pagpapatawad sa Isang Kaibigan

Alam mo ba pare, badtrip ako kanina, grabe ang toxic sa work…

ding… (tunog ng elevator)

ok pare sabay tayo uwi mamaya, may lakad tayo…

ok

parehas kaming nagtatrabaho sa isang building ng aking itinuturing na matalik na kaibigan

18th floor ako, 12th floor siya, halos nabubuo ang kwentuhan namin tuwing magkikita kami sa elevator dahil ang canteen ng building ay nasa 10th floor

balitaan, pasikatan, sumbungan at kung anu-ano pang mga karanasan sa trabaho


………
ngunit ngayon,
parang napakalayo ng loob ko sa kanya,
kahit na nasa harapan ko siyang hinahabol ang hininga

ano na nga ba ang pinagsimulan ng hindi namin pagkakaunawaan na nauwi sa
paghihiwalay bilang matalik na kaibigan?

(lakasan mo ang loob mo pare)

(makakalabas din tayo, siguragong may makakatuklas din sa atin)
hndi ko masabi sa kanya,
naaawa ako sa kalagayan niya dahil parehas kaming hirap ng huminga na kung magsasalita pa ako ay baka lalo lang akong manghina

ahhhh pa-pare, sambit niya
pa-patawad kung nasira ko ang buhay ng pamilya mo dahil sa akin,
pa-patawad…

niyakap ko siya habang unti unting pumapatak ang butil ng luha niya…

pigil pa rin akong magsalita dahil iniipon ko ang natitirang hangin sa akin…

may nagsalita na sa labas

sir nakita ko na ang pinto ng elevator, bubuksan na namin at baka may mga casualties sa loob

pare, pinapatawad na kita, nasabi kong ubod ng lakas na nawalan na ako ng malay…



► About the Author:
Basahin ang iba pang fiction sa kanyang Blog na Mga Kathang Isip at Kwento ni Kiko. Sinusulat niya ngayon ang Kwento ng Buhay ni Navya, isang batang punong-puno ng kaalaman at kapighatian. Abangan!
► Read The Psalmist's previous articles here.
click here to comment… for bloggers

1 Reactions:

iya_khin said...

ay....maiksi pero pasok sa banga....

Post a Comment