Hindi ko alam kung saan uumpisahan
Tulang sa matagal ng kaibigan ay inilaan
Sadyang may bigat sa aking kalooban
Dahil sa iniinda niyang karamdaman.
Aking natatandaan mula sa aking kamusmusan
Palaging naghahabulan di nawawala ang kalmutan
Sabay laging pumasok sa iisang eskwelahan
Nag uunahan na kapag oras ng uwian.
Masasayang kwentuhan sa araw na nagdaan
Hindi makakailang minsan ay may bolahan
Mga sikreto ang laging pinag uusapan
Tiwala sa isa’t isa dahil sa haba ng pinagsamahan.
Ngunit lumipas ang maraming taon
Ako’y walang balita sa aking kaibigan
Nabigla na lang ako ng aking malaman
Siya ngayon ay may malalang karamdaman.
Hindi ko man siya personal na madamayan
Sa pangungumusta ay hindi ko tinitigilan
Gabi gabing dalangin para sa kanyang kagalingan
Hiling ko sa KANYA sana’y pagbigyan.
Tatlong taon na pala ang kanyang karamdaman
Katawang lupa niya’y hindi na makayanan
Breast cancer pakiusap siya’y iyong iwanan
Para sa mga taong siya lang din ang sandigan.
Minsan sa aming pag uusap hindi ko matagalan
Sapagkat nanghihina na ang kanyang katawan
Kahit pinalalakas ko ang kanyang kalooban
Sumusuko na siya sa hirap na nararamdaman.
Sa inyo pong lahat ako’y nakikiusap
Dalangin para sa aking kaibigan ay sapat
Malaking tulong para mapagaan ang lahat
Ako po sa inyo’y lubos na nagpapasalamat.

► About the Author:
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.
click here to comment… for bloggers
0 Reactions:
Post a Comment