in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Aking kapatid, Tunay na Kaibigan

Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan
Wala sa kondisyon at ulira't ang aking kaisipan
Naglalakbay diwa di alam saan patutunguhan
Nararamdaman ko'y ang bakas ng kalungkutan

Sapagkat isa na namang kaibigan ang lilisan
Upang muling harapin ang bagong kapalaran
Tangi ko lamang maibibigay kayo'y suportahan
Ipagdasal sana maging mabuti ang kalagayan

Ala-ala ng ating pagkakaibigan aking iingatan
Bawat masasayang bahagi ng ating kasiyahan
Mga biglaan at wala sa planong lakwatsahan
Walang tanong-tanong at bahid ng kaartihan

Sandaling pagkakakilanlan nabuo sa bowlingan
Salamat sa grupo at may ganitong bandingan
Ma mi miss ko mga food trip at mga luto-lutuan
Parang isang pamilya salo-salo sa hapag kainan

Salamat sa mga araw na ating pinagsamahan
Batid kong ikaw din ay tulad kong nahihirapan
Sadya siguro ganito ang ating mga kapalaran
Darating din ang araw babalik sa inang bayan

Magiingat ka aking mahal at tunay na kaibigan
Darating ang panahon na muli magkakakitaan
Pagkakaibigan at samahang na ating nasimulan
Ito'y muli nating bubuuhin sa kahit anung paraan





About the Author:
Simple lang ang buhay ni Sexy Rose
Tawag sakin ng mga frenz ko sa Pinas
Dito naman sa Doha Qatar Rose o Esor
Di nila ako kilala kase baliktad name ko

Ako nga pala'y nagmula sa bayan ng Paranaque
Buong pangalan ko'y Rosemarie Dapedran-Esocta
Gamit ko Surname ng chick boy kong X na asawa
Pero sa FB Esor Nardepad noong ako'y dalaga pa

May dalawang anak na babaeng magaganda :)
Pangalan nila'y unique at kakaiba sa lahat
Ang panganay ko'y ROAVIMA SILVER (AG)
Ang bunso ko nama'y RHED AURELLA (AU)

Nasa pangangalaga ng aking butihing mahal na ina
Maayos naman ang buhay ko sa bansang Pilipinas
Sa kagustuhan kong matatakan ang aking passport
At makatakas sa problemang puso kaya ako nandito

Siguroy' natatawa kana sa istorya ng talambuhay ko
Pang maalaala ang buhay ko kong iyong makikilala (drama)
Tahimik,simple,uliran,martyr lahat pwedeng itawag sakin
Pero MABUTING KAIBIGAN.. MASAMANG KAAWAY..:p

Nagtratrabaho nga pala ako bilang SEXYTARY ng Arabo (secretary) :)
DUKHAN ENGINEERING SERVICES sa may Al Waab
Mag dadalawang taon na ako dito at malapit ng matsuge
Kasapi ako ng grupong FILEX una kong grupo sa Qatar

Kamakailan buwan ng Mayo sumapi ako sa samahang PIBQ
PAG IRIBANG BICOLNON QATAR GRUPO NG MGA URAGON :)
Basta nakakatulong sa kapwa tungo sa kawang gawa IN ako.
Nasundan na ng iba't-ibang samahan at kasalukuyan Dugong Pinoy<3

O' sya batid kong natatawa kana sa aking munting telenobela
Baka maiiyak kapa at gawing pilikula ang aking buong istorya
Yong tulang aking ginawa para sa mga kaibigan kong Best Tse! 3R
Bakit? kase Rudolfo,Rose,Rodel kaya nabuo ang samahang 3R :)

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment