in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Paraiso sa Gitna ng Disyerto

Noong hindi pa ako nakakarating dito sa United Arab Emirates at kapag nababanggit ang lugar ng Gitnang Silangan, ang unang pumapasok sa aking isip ay ang mainit na temperatura at buhangin. Madalas ko kasing marinig sa Tatay ko noong nabubuhay pa sya at kasalukuyang nagtatatrabaho sa lupain ng mga Arabo, na kapag panahon ng tag-init, halos ayaw nya ng lumabas sa loob ng opisina o sa kanyang kwarto dahil alam nyang 'masusunog' ang kanyang balat sa tindi ng tama ng sikat ng araw.

Taong 2005 ng tumulak ako dito sa Gitnang Silangan, partikular dito sa siyudad ng Al Ain na matatagpuan sa Abu Dhabi, UAE. Ako ay namangha dahil ang disyertong nakaukit sa aking isipan ay napalitan ng kung tawagin sa Ingles ay lush green. Lubos akong humanga sa disenyo ng mga roundabout na mas kilala sa salitang rotonda sa wikang Tagalog. Madalas ito ay napapalamutian ng makukulay na mga bulaklak, puno, halaman at water fountain. Halos hindi ko mabilang ang mga date palm trees na aking nakikita sa tuwing ako ay lalabas mula sa aking pansamantalang tirahan. At palaging umuukilkil sa aking isipan na bakit hindi kayang gawin ito sa Pilipinas? Kung tutuusin mayaman ang ating lupa kumpara sa buhanginan. Mas madaling makapagpatubo ng mga halaman, bulaklak at mga puno. Hindi lamang yan, ang klima sa ating bansa ay mainam sa paghahalaman. Muli, napupuno ang aking puso ng panghihinayang at pag-asam na sana magkaroon ng sapat na pagpapahalaga ang mga opisyales ng ating bansa na pagandahin ang Pilipinas.... mapasiyudad man o mapaprobinsya upang makatulong sa turismo na alam nating magbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Taong 2010 nang una kong marinig ang Al Ain Paradise, ang di umano ay isang parke na may pinakamaraming hanging flower baskets sa buong mundo na natala sa Guinness World Records. Kumakailan lamang, napuntahan ko itong muli ng ilang beses upang kumuha ng mga larawan na nalathala sa Al Ain City Daily Photo. Masasabi ko na katamtaman lamang ang lawak ng lugar ngunit napupuno ito ng nakakabighaning halimuyak ng mga bulaklak lalo na sa dapit hapon. Dinarayo ito ng mga turista at mga residente na nagmumula sa mga karatig na Emirates. At sa tuwing titingnan ko ang kapaligiran sa Al Ain Paradise, ipinapaalala sa akin nito na walang impossible kung ito ay nanaisin natin. Hindi nga ba't nakakamangha na makapagpatubo ng libo-libong bulaklak sa gitna ng disyerto?

Tara na at sulyapan nyo ang kagandahang aking nakita! Kung nais mong lumaki ang mga larawan, i-click lamang ang mga ito. Ang larawan ay kuha sa dapit hapon at gabi.
Ito ang entrance at ang larawang ito ay kuha sa gabi ng bago pa man 
ito muling buksan sa publiko
Ito naman ay kuha sa dapit hapon ng minsang bumalik ako dito
Sa aking palagay, ito ay isang  magandang lokasyon para sa pagkuha ng mga larawan. Hindi maitatangi na ang mga bulaklak sa paligid ay nagbibigay ng kakaibang kulay at buhay sa larawan. At dahil dyan, hindi ko rin pinalampas ang pagkakataon, hinakayat ko ang aking pamilya ng minsang bumalik ako dito.
ako at ang aking pamilya
ilan sa mga turistang bumisita sa Al Ain Paradise
Si JM na napagod sa paglalakad :)
Sila Nazy, Trisha at NJ sa loob ng flower arches
flower pyramid
malalaking paso na may makukulay na bulaklak
At para sa katulad ko na nag-uumpisang mahilig sa macro photography, dito ko unang sinubukang gamitin ang aking macro lens. Bagamat hindi ko pa man gamay ang paggamit nito, masasabi ko na ako ay lubos na nasiyahan sa mga litratong ito.
Kung ikaw ay kasalukuyang nakatira sa UAE o ikaw ay isang turistang kasalukuyang namamasyal, halina at bisitahin mo ang Al Ain Paradise. Maaaring makakakuha ka dito ng idea at gamitin mo sa paghahalaman kapag ikaw ay bumalik sa Pilipinas. At kung ikaw naman ay mahilig kumuha ng larawan ng mga bulaklak, magandang lugar din ito para sa isang maikling photowalk.
Nawa'y naibigan nyo ang mga larawan. Hanggang sa susunod na isyu ng The Kablogs Journal!



► About the Author:
Misalyn is a proud Bicolana and an OFW presently residing in Al Ain, UAE. If you wish to see some of her monochrome photos, you can click here.

► Read Misalyn's previous articles here.
click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment