in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Bulaklak at Buhay

B U H A Y
Tulad mo ang mga talulot ng bulaklak,
Mahirap masagi ng basta-basta't baka malagas.
Kailangan ng mapagpalang palad sa paglingap,
Nang ang kagandahan ay 'di mauwi sa kapangitan.

Tulad mo ang kulay ng bulaklak,
Minsan kay akit lalo na sa panahon ng iyong kasibulan.
Ngunit, dumarating din ang araw na tuyot nang hindi natin nalalaman,
Ganyan ang buhay, ganyan ang bulaklak, may araw ng kadiliman.

B U L A K L A K
Kahalintulad mo ang buhay na binigay ng Maykapal,
Nag umpisa sa bubot, lumalaki depende sa dangal.
Dangal na maituturing kung paano ka alagaan at iiwas sa bawal,
Nang ang bawat parte mo'y mabuhay ng matagal.

Tulad mo ang sumpa ng buhay dito sa mundo,
Uusbong… lalago… at mamamatay, matutuyo.
Kaya't habang maganda't malago… at may bango,
Ikalat ang ganda mo, Ipakita ang Buhay na Pangako.


► About the Author:
Myles, is a store supervisor at Romano's Macaroni Grill in Doha Qatar. She's now in UAE for a month's training for POPEYE's (another food store by International Fast Food Concepts). A true lover of poetry, she shares her thoughts on her Facebook Wall and hopefully to join blogging with the help of her dear Kuya Kiko. Watch out for her new blog coming soon. Read her published poem here.

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment