in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Ikaw Na Bulaklak Ka

Nais kong gumawa ng isang maikling tula,
Yun bang walang halong arte at tipong di ka matu-tulala,
Subalit magbibigay ng aral at simpleng paggunita,
Sa mabubuting kaloob sa atin ng Amang may Likha.

Nais kong magumpisa sa isang bulaklak,
Sa Sampaguita na kay ganda at may kakaibang halimuyak,
At pwede ring gamitin, sa leeg ipanggayak,
Hindi lang sa mayayaman bagkos sa taong nakayapak.

Ang isusunod ko sana ay ang ating kagubatan,
Subalit naisip ko na sa bulaklak ay marami pang pwedeng pag-usapan,
Nariyan ang Gumamela, maging Rosas at Santan,
Na pag-ating pinagkwentuhan, paniguradong mabango ang kalalabasan.

Ayoko na sanang sudlangan pa ito,
Dahil ang nais ko lamang ay isang maiksing kwento,
Subalit pag naisip kong mabibitin kayo,
Gumagana ang utak ko na minana pa kay Apolinario.

Akin ng itutuloy ang pagbibigay kulay,
Sa isang bulaklak na ang bango'y 'di nakakaumay,
Alam nyo bang ang Ilang-Ilang ay parang isang gulay,
Na maaaring ipangrekado sa mga pagkain natin sa ating bahay?

Ano pa bang alam ko na bulaklak sa mundo,
Parang nauubusan na ata ako ng ikukwento,
Ah alam ko na! Ang bulaklak na pinakamahalaga,
Yun ang aking Asawa na may gandang kakaiba.




► About the Author:
Emerson Vistan, a blogger and the owner of MIdNigHt DrIVEr RelOAd. He came from Calumpit Bulacan (a place where poets came from).
click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment