Unang Bulaklak



Naalala ko pa, unang bulaklak na natanggap,
Buwan ng Mayo ng mapasa aking palad,
Sa pagtulog katabi at palaging yakap,
Parang ako'y dinuduyan sa alapaap.

Kabataa'y tila parang bumalik,
Dito sa puso'y may pananabik,
Kahit mag-isa'y napapahagikgik,
Laging nag-aabang sa iyong pagbabalik.

Araw-araw ito'y pinagmamasdan,
Parang sundalong nag-aabang ng laban,
Tila laging nakikipagsapalaran,
Sa pag-iisip sa magiging kapalaran.

Lumipas ang nagdaang panahon,
Bulaklak ay hindi maitapon,
Kahit tuyo't na ang mga dahon,
Ito'y nakatago pa din sa kahon.

Subalit dumating ang hindi inaasahan,
Bulaklak ay humantong sa basurahan,
Dahil sa galit ako'y nasobrahan,
Gawa ng puso ko'y naging sugatan.

Mabuti't mayroong naiwang larawan,
Na siyang lagi kong pinagmamasdan,
Wala man totoong bulaklak sa harapan,
Taong pinanggalingan hindi pa din maiwanan,
Unang bulaklak, kay tagal kong iningatan...



► About the Author:
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment