in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Paglisan…

Taong 2007 nuong nakarating ako sa Dubai sa unang pagkakataon. Walang trabaho at ang munting baon ko ay ang pangarap na ilang taon ko ring ibinaon sa limot mula nang ako’y mabuntis sa murang edad. Naging inspirasyon ko ang aking anak. Bawa’t pagbabago sa kanyang paglaki ay aking nasilayan, pati ang kanyang mga pangangailangan ay damang dama ko rin. Kahit parang isang bangungot ang paghihiwalay naming mag-ina ay sinikap kong punan ang pagkaulila sa kanya simula nang ako'y magkatrabaho sa isang media company. Dito ko napatunayan na kaya kong tumayo mag-isa na walang inaasahan kundi ang sarili lamang. Hindi ko sukat akalain na muli akong iibig. Oo, umibig akong muli sa isang banyaga, kakaiba para sa akin dahil isa siyang muslim. Dito ko nadama ang tunay na pagibig na kahit ang mundong ginagalawan ay magkaiba ay maaaring mapagdugtong ng isang tulay sa dulo ng mga mundong yaon at pagdugtungin ang anu mang bagay na hindi tugma. Para bang isang puzzle na unti unting tumutugma sa tamang kalalagyan kahit na minsan ang hugis nito ay hindi tama sa dapat kalagyan. Mali ang kulay, mali ang hugis, mali lahat pero pilit pa rin itinutugma kahit na nga magkaiba. Paulit ulit, pinipilit pilit hanggang ang mismong utak ay sumusuko na.

Isang araw sa pag-aakalang ang pagibig ay kayang lamunin ang lahat ay nabigo muli ako. Siguro mayroon ngang kulang sa aking pagkatao. Hindi naman lahat ng tao ay perpekto pero bakit ako? Ako pa rin ang nasaktan sa huli. May mahal na daw siyang iba at hindi na nya kayang makisama pa sa akin.

Tatlong taon din akong pabalik-balik sa Emirates Palace Hotel. Araw –araw ko itong nadaraanan papasok ng trabaho, pauwi ng bahay, pagpunta ng marina mall, pagpunta sa beach at pagpunta sa mga parke.paikot ikot, paulit ulit kahit na pagod na pagod na ako ay sige parin dahil kaylangan eh. Hindi naman ito ang sentro ng lalawigan, ang sentro ng buhay ko, pero madalas kasing nadaraanan ng mga motorista lalo na sa harap nito ay may mga diversion roads papunta sa mga nasabing lugar. Maihahalintulad ko ito sa Taj Mahal ng india. Ang palasyong itinayo ng prinsipe para sa kanyang iniirog. Ang hugis kasi nito ay may dome shape at hardin na makulay sa gabi, makulay nga ang buhay kung nagmamahal, lahat makulay, parang mga pinturang nagkalat, walang direksyon sa isang canvas pero dahil sa makulay ito, maganda pa rin sa paningin ng tao. Hindi ko akalain na isang araw ay aking lilisanin ang lugar ng Abu Dhabi, hindi ko inakala na yun na pla ang huling pagkakataon na masipat ko ang kagandahang taglay ng malapalasyong hotel na yaon.

Hindi ko inakala na lahat ng kahibangang ito ay may hangganan dahil nga naniniwala akong kayang kaya ng pagibig na ipaglaban ang sarili nito…pero hindi pala, napapagod din si pagibig, nabibingi, nabubulag, namamatay… oo linisan nya ako, hindi ko siya kayang lisanin, pero dapat ko pa bang ipilit ang sarili ko kung ang mundo nya ay lumipad na patungong pluto?



► About the Author:
Written by Maileen Pacio


0 Reactions:

Post a Comment