Taken during my 2-leg cruise from Taipei Wharf to Fishermen Wharf Taipei
Sa tag-araw sumibol ang pag-iibigan,
Nangakong magmamahalan magpakailanman,
Sa darating na bukas sa bisig mo mahihimlay,
Pag-ibig pagsasaluhan ng buong kaganapan.
Bawat tag-araw dito ang tagpuan,
Sa dalampasigan na ito unang sinigaw ang pangalan,
Ang saya ng pakiramdam, sana wala ng katapusan,
Ito ang alaalang sinasariwa at pinanghahawakan.
Sa tag-araw din sinambit ang katagang PATAWAD,
Ang pangakong nagdudugtong ay isang huwad,
Ang pag-ibig na pinayabong kinain ng kamandag,
Ang paglaya ang iyong hiningi at hinangad.
Tumulo ang luha kasabay ng pagdapyo ng hangin,
Ang ingay ng alon nagpadagdag sa sakit ng saloobin,
Ang dating saya naging kirot at hinaing,
Sa dalampasigan na ito nabuo at nawasak ang adhikain.
Ilang tag-araw pa ang kailangan dumaan?
Para ang alaala mo ay tuluyang matuldukan,
Sa bawat hampas ng alon, alaala mo parang kailan lang,
Nanariwa at binubuhay sugat na pinaghihilom.
Patawad na dinaing, patawad ko ring sasagutin,
Patawad sa kahapong gumapos sa akin,
Ang pagmamahal ko saiyo aking babaunin,
Ngunit sa tag-araw na ito ika'y tuluyang lilimutin.

► Read Bhing's previous articles here.
6 Reactions:
Ouch! Bakit mo naman kailangang limutin, Ms. Bhing? :)
Ms N, haha! new life na po! ^_^
Nice, bakit ako hindi makaconstruct ng ganito mga tula tula at ganyan ganyan... hehehe
kaya mo yan Rhyckz, ikaw pa… contribute ka sa april ha!
@ Rhyckz, kaya mo yan :) kailangan mo lng inspiration :)
@ Kiko, tama dapat lahat meron tula sa april. haha!
Post a Comment