Sa mundo nating dalawa,
Ikaw lang at ako ang magkasama.
Mga puso ay nagmamahalan
Hanggang sa magpakailanman
Poong Maykapal ang tanging gabay
Sa bawat araw na tayo ay nabubuhay.
Ating pag-ibig sa kanya inaalay,
Siya ang magiging tulay sa habang buhay.
Sa mundo nating dalawa,
Paligid ay kayganda at kaysaya
Lahat ng bagay ay may kulay
Kahit sandali ay di malulumbay.
Mga paru-paro ay hahabulin at lalaru-in,
Kamusmusan ay babalikan natin.
Mga bulaklak ay sasamyuin,
Upang mga puso ay pagbigkisin.
Mga halakhak ay di pipigilan
Bawat saglit ay kaligayahan.
Mga pintig ny puso ay dadamhin,
Parang musikang di kailangang awitin.
Aakyatin natin mga alapaap
Upang maghabi ng mga pangarap.
Mga mata lamang ang mag-uusap
Ayaw kang mawala ni isang kurap.
Ikaw at ako gagawa ng sariling mundo
Kahit hindi alam kung papaano.
Tanging yaman
Mga pusong nagmamahalan
Ipangako mo lang
Ako ay di mo iiwan
Nang kahit sa pangarap man lamang
Ating mundo ay maging katotohanan.
{ Dinah's other poem in this issue. }
► About the author: Dinah Olino is a US-based Pinay "explorer, a traveler, a music-lover, a thinker and a dreamer" -- rolled in one. She blogs at Simply Dinahmic. She describes her ten-year absence from home as "not an easy journey". Feel free to visit her blog and enjoy her wonderful writings there.
0 Reactions:
Post a Comment