Akda ni Lovely Fernandez
isipin mo lang na ang buhay ng tao ay parang araw, kailangan din ang paglubog.
kung dumating ang panahon na mag krus muli ang ating landas,
wag mo sana akong isnabin.
masasaktan ako, alam mo naman na ako'y matampuhin.
kapag nakita mo ako, kahit ngiti man lang sana'y iyong igawad sa akin.
sapat na sa iyon para maramdaman na ako'y kilala mo pa rin.
wag kang mag-alala, kapag may kasama kang iba, sisimple lang ako. hindi kita guguluhin.
wag kang malulungkot pag nawala na ako , balik tanawin mo na lamang ang mga panahon na pinaiinit ko ang iyong ulo.
mga panahon na kinukulit kita, inaaway at minsan pa nga ay pinalalayas.
sa ganoong paraan ay mawawala ang pagka miss mo sa akin.
wag mong kakalimutan... ang lagi kong sambit, isa kang espesyal sa akin.
wag kang gagaya sa ibang tao dyan, nawalan lang ng mahal sa buhay akala mo palaging mang-aaway.
gusto kong ipakita mo sa kanila na nagmu-move on ka. na hindi mo ako kawalan.
wag kang pupunta sa Tanjong Pagar, mauubos ang iyong pera.
Lalu na sa geylang, baka magkasakit ka pa.
mas mabuti pa ay magsimba ka, ipanalangin mo na sana'y gabayan ka NIYA para sa panibagong bukas na kakaharapin mo pa.
tandaan mo sa teleserye lang ang drama.
kapag naalala mo ako at parang sa pakiramdam mo ay gusto mo akong makita at maramdaman,
pumunta ka lang sa mga lugar na ating pinapasyalan lagi.
sa lucky plaza, sa sentosa at kay merlion sa may fullerton.
para mo na rin nakikinita na ako'y nandyan parin.
wag mong ilugmok ang sarili mo, hindi mo dapat ako maging kawalan.
maging matatag ka at ipakita sa sarili mo na kaya mo ang lahat.
wag mong titikisin ang sarili mo at dudurugin ang iyong pagkatao.
bumangon ka at harapin ang panibagong buhay.
mag asawa ka, humanap ka ng babae na magmamahal sa iyo ng lubos.
yung hindi ka iiwan hanggang sa pagtanda mo.
at sakaling matagpuan mo sya, hiling ko lang ay wag kang makalimot na i kwento ako sa kanya. kung anong klase ng pinagsamahan meron tayong dalawa.
wag mo rin kakalimutan ang aking pamilya, hindi ka man naging parte ng pamilya ko, itinuring ka naman nila na hindi iba.
patuloy kang maging malapit sa mga mahal ko sa buhay,
ng sa ganoon ay para mo na rin akong nakakasama.
kung sakali man na ika'y matanda na at ako'y naaalala mo pa,
ipikit mo lang ang iyong mga mata.
damhin mo ang hangin na humahaplos sa iyong katawan,
sigurado ko sa 'iyo, ako'y nariyan lamang sa iyong tabi. hindi kita basta iiwan.
at kapag dumating na ang araw kung saan ikaw ay maari ng mamahinga,
wag kang mag-alala. gagabayan kita. kung paanong ako'y iyong inakay noong ako'y nasa kawalan,
gayon din kita sasabayan. haharapin natin ang liwanag, at doon...sa dako roon, ang minsang pag-ibig na
hindi natin naisakatuparan ay bibigyan natin ng katugunan.
sakali't mawala ako at hindi ko masabi sa iyo ang lahat ng ito, ipikit mo lang ang mga mata mo, at sa gitna ng dilim na iyong nakikita, lilitaw ang isang AKO.
Lovely Fernandez is currently residing in Singapore and working as a marketing supervisor. She enjoys writing short stories and doing charity works. She is also the founder of BABAE (Bagong Bayani na mga Eba). Visit her blog at Best things in Life are Free but Only 'till supply Lasts.
0 Reactions:
Post a Comment