Kwentong Buhay, Ulan ng Panahon



Kung ating babalik - balikan ang ating kamusmusan.
Sa tuwi - tuwina'y sasapit ang buwan ng tag-ulan,
Iba't-ibang emosyon mababakas sa sangkatauhan,
Walang kapantay na kagalakan maging kasiyahan.

Tayo ay mga ligalig at sa katuwaa'y naguumapaw,
Kasama ang ating mga kaibigan at nagtatampisaw,
Naghahabulan sa gitna ng kalsada at humihiyaw,
Hindi tayo titigil hangat di sumisikat si haring araw.

Habang lumilipas ang ating panahon at ang taon,
Simula sa pagkabata maging hanggang sa ngayon,
Ating pinanabikan buhos ng ulan at maging ambon,
Kung maaari nga lang ibalik tayo sa dating panahon.

Ngunit sa kasalukuyan katagang ulan sa ngayon,
Sari -saring konsepto ang maisasalarawan sa ulan,
Tila mga luhang dumadaloy sa dalampasigan o talon,
Karaniwang maihalintulad sa ating buhay karanasan.

Mga pagsubok na dulot sa hindi inaasahang panahon,
Wag na nating antayin na tuluyan bumuhos ang ulan,
Kaya maging handa,alisto sa hatol ng ating kalikasan,
Kaagad-agad sayo magpaparamdan san ka naruruon.

Diba ang ULAN ay tila isang kwento ng BUHAY... :)



About the Author:
Simple lang ang buhay ni Sexy Rose
Tawag sakin ng mga frenz ko sa Pinas
Dito naman sa Doha Qatar Rose o Esor
Di nila ako kilala kase baliktad name ko

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment