Sabi nga ni ka Fredie sa kanyang awitin…
"Nang isilang ka sa mundong ito
Laking Tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw"
Batay sa aking karanasan
Tatlumpo’t apat na taon na nagdaan
Mahal na ama’y laging nandiyan
Pag-aaruga ay di tinalikdan.
Mula ng mata’y mamulat
Hanggang sa matutong magkalat
Unti-unting natutong lumakad
Nakasalo lagi ang kanyang palad.
Pumasok ako sa eskwela
Nakatapos ng dahil sa kanya
Nagkaroon ako ng pamilya
Ngunit laging nandiyan pa din siya.
Dinanas ko ang maraming problema
Sa lahat ng hirap ko’y karamay siya
Bigat ng dala ko ay napapagaan niya
Ano nga bang tatag meron ang isang ama?
Siyam kaming binuhay niya
Kahit minsan daing ay wala sa kanya
Dugo’t pawis ang puhunan niya
Napakadakila niyang ama.
Ako’y napadpad sa gitnang silangan
Dala ng aking matinding pangangailangan
Nang ako’y paalis hindi niya mabitawan
Sa aking kamay siya’y nakikipag agawan.
Labag sa loob niya na kami’y malayo
Subalit sa aking mga anak ako’y may ako
Magandang bukas ang aking ipinangako
Masakit man ngayon kami’y magkakalayo.
Mahal na mahal niya ako
Dahil bunso daw ang paborito
Ngayong magulang na din ako
Naramdaman kong ito ay totoo.
Para sa isang amang tulad ng tatay ko
Sumakabilang buhay man ako
Pagbalik ko siya pa din ang hihilingin ko
Dahil walang sinuman ang makakapantay dito.
"Nang isilang ka sa mundong ito
Laking Tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw"
Batay sa aking karanasan
Tatlumpo’t apat na taon na nagdaan
Mahal na ama’y laging nandiyan
Pag-aaruga ay di tinalikdan.
Mula ng mata’y mamulat
Hanggang sa matutong magkalat
Unti-unting natutong lumakad
Nakasalo lagi ang kanyang palad.
Pumasok ako sa eskwela
Nakatapos ng dahil sa kanya
Nagkaroon ako ng pamilya
Ngunit laging nandiyan pa din siya.
Dinanas ko ang maraming problema
Sa lahat ng hirap ko’y karamay siya
Bigat ng dala ko ay napapagaan niya
Ano nga bang tatag meron ang isang ama?
Siyam kaming binuhay niya
Kahit minsan daing ay wala sa kanya
Dugo’t pawis ang puhunan niya
Napakadakila niyang ama.
Ako’y napadpad sa gitnang silangan
Dala ng aking matinding pangangailangan
Nang ako’y paalis hindi niya mabitawan
Sa aking kamay siya’y nakikipag agawan.
Labag sa loob niya na kami’y malayo
Subalit sa aking mga anak ako’y may ako
Magandang bukas ang aking ipinangako
Masakit man ngayon kami’y magkakalayo.
Mahal na mahal niya ako
Dahil bunso daw ang paborito
Ngayong magulang na din ako
Naramdaman kong ito ay totoo.
Para sa isang amang tulad ng tatay ko
Sumakabilang buhay man ako
Pagbalik ko siya pa din ang hihilingin ko
Dahil walang sinuman ang makakapantay dito.
► About the Author:
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.
click here to comment… for bloggers
1 Reactions:
galing! :)
Post a Comment