Papel ng Pagmamahal

Tito!
Natatawa pa din ako pag naaalala ko ang mga panahon na yon, musmos palang ako noon. Masaya ang mga pinsan ko pagdumadating ka, ang dami mo kasi laging dalang pasalubong! Tito asan ang para sa akin? Tito asan ang sapatos ko? Tito ang tsokolate? Tito, tito, tito... akala ko nga talaga tito kita pero bigla mo akong tinawag…


Anak, eto o para sayo…

Tito? May pagtataka sa mukha ko...

Sanggol palang ako noon nung nagsimula kang mangibang bansa halos di nga talaga kita kilala, na sa kada uwi mo Tito ang tawag ko sayo hanggang sa isang araw narealized ko Tatay pala kita.

Daddy!

Halos maglululundag ako pag-umuuwi ka! Masayang-masaya ako hindi dahil sa dumating kana kundi sa mga pasalubong at balik-bayan box na iyong dala. Oo daddy, hindi dahil sayo…

“Lumayas ka! Hindi ka namin kailangan akala mo ba masaya kami pag nandito ka?! Hindi! Nakakagulo ka lang!" Sigaw ko sayo.

Ito na ata ang pinakamatindi nating away, na sa kada uwi mo gusto mo laging na sayo ang atensyon ng lahat, gusto mo lahat nakadikit sayo, gusto mo lahat sinusunod ka, kasi gusto mo, gusto mo, gusto mo, nakakaasar kana ang arte-arte mo! Nagkasakitan tayo, naglayas ako noon... dahil sayo...

Lumaki akong wala ka lagi sa tabi ko, tumayo akong parang lalaki para sa mga kapatid ko, oo naging matigas ako, dahil sayo, dahil wala ka, dahil wala ka para ipagtanggol kami sa mga pangungutya ng iba…

Hanggang sa nakapag-asawa ako ng maaga... paano wala ka... busy din si mama... wala... feeling ko mag-isa ako walang nagmamahal sa akin… feeling ko lang…

Convicted…

Nag-usap tayo noon... naalala mo pa ba? Umiiyak ako... halos hindi ako makahinga... nanginginig ang buo kong pagkatao, parang landslide na nag-flashback lahat ng mga ginawa ko sayo. Di kita kasi naiintindihan dati kung bakit ganyan ka, kung bakit sobrang kulit mo pag-umuuwi ka, na kung bakit gusto mo halos kaming lahat nakatutok sayo…

Isang beses umupo ka sa tabi ko, di ka nagsasalita, kinuha mo ang pitaka mo may iniabot ka sa aking isang pirasong papel. May drawing na dalawang stickman, ako at ikaw. Drawing ko pala nung kinder ako. May nakasulat “I LOVE YOU DADDY”… tiningnan kita unti-unting pumatak ang luha mo…

22 years old na ako nun, sa loob ng 17 years itinago mo yun, iningatan mo..sa simpleng papel na yun nadurog ang matigas na ako….nadurog ang puso ko…

Daddy, mahal pala kita nakalimutan ko lang, pinigilan ko at itinago ko. Akala ko kasi wala akong halaga sayo, akala ko kasi puro pera lang ang nasa isip mo at akala ko kasi masaya ka doon sa trabaho mo. Patawad daddy sa mga naging kasalanan ko, patawad sa mga pagbabaliwala ko sa mga sulat mo, patawad kung sinuway ko ang lahat ng pangaral mo, patawad, patawad. Garalgal na sabi ko noon sayo..
Wala akong narinig na sagot mo kundi isang napakahigpit na yakap lang ang iginawad mo.

Sinuong mo lahat para sa amin, naging matapang kang harapin lahat ng bagyo at maladambuhalang alon para sa amin. Kinaya mong mag-isa sa gitna ng karagatan para mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Salamat sayo, salamat sa pagmamahal mo, salamat sa lahat ng sakripisyo mo salamat sa pangunawa mo, salamat at ikaw ang naging tatay ko….

(Base po on true story namin ng daddy ko. He works as a seaman.)



► About the author:
Rialyn, also known as iya_khin on blogsphere is an OFW from Dubai, UAE She frequently write about her daily musings in When I Learned How to Write.
click here to comment… for bloggers

2 Reactions:

iya_khin said...

wow natuwa naman ako dito!! nakasama pala sa TKJ ang entry ko!!! salamat po!!

MAKULAY NA BUHAY said...

naka-relate ako..seaman din father ko e..pagkaalam ko 20 years siya sa barko...mga pasaubong, pera, imported na de lata, bath soap, lahat lahat na ang palaging inaabangan ng mga mahal niya sa buhay...di pa uso noon ang celfone, sa voice tape lang kami nagpapadala ng sulat at mga habilin...pagkatapos ng ilang buwan parang gusto mo na siyang umalis..dahil nasabik na muli sa pasalubong, nasanay ng wala siya, di alintana sa musmos kong isipan..daranas na naman siya ng pagod, lungkot at pangungulila..SALUDO ako sa mga tatay na tulad ng sa atin..Ayaw man nilang malayo sa pamilya, dahil sa tawag ng pangangailangan kelangan nilang gawin at tiisin , maitaguyod lang at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak...Happy Father's Day sayo...Salamat...

Post a Comment