Mabait at mapagmahal na asawa, sobrang mahal niya ang akin ina, mula nang magkaroon ako ng muwang dito sa mundo, kahit kailan ay hindi ko nakita ang tatay na nainis o nagalit sa aking ina at never kong narinig na nagsalita ng masama laban sa aking ina at never siyang sumagot sa akin ina, astig diba? Bihira lang ang mga lalaking ganun na kahit mala-AK-47 na ang bibig ng kanilang asawa at minsan ay may mga kasamang granadang mura ay tahimik lang sila. Ganun ang tatay ko, pinagmamasdan nalang ang nanay ko sa tuwing inuubos niya ang lahat ng mura sa mundo sa tatay ko, tahimik lang ang tatay ko at nakangiti sa nanay ko na parang nakikinig lang ng musika. Lalalala…lala..lalala…lalalala…(volume 8)
“First impression lasts” hindi ‘yan magagamit sa tatay ko, kasi sa unang kita mo sa kanya, aakalain mong kamag anak siya ng mga Ampatuan. Kung hindi mo siya kilala, mag-aalinlangan kang magtanong sa kanya, takot lahat sa kanya ang kanyang mga pamangkin, mga pinsan, mga kapatid, halos lahat, kasi hindi siya masalitang tao “One word is enough”.
Ma-pride siya basta ayaw, AYAW! Kung gusto, GUSTO! kung ayaw niya sa isang tao, sinasabi niya, hindi siya ipokrito. Kung isang gamit ang tatay ko, siya ay isang cellphone na naka-silent mode palagi. Mabibilang mo sa lahat ng daliri mo ang mga salitang masasabi niya buong araw, ganun siya matipid sa pagsasalita, hindi siya mahilig magkwento, kabaliktaran ko.
Yada! Yada! Yada! Blah! Blah! Blah! (isipin mo nagsasalita pa ako at nakikinig ka)
Magaling magluto ang aking Ama, ‘yan ang isa sa mga hinahangan ko sa kanya bukod pa sa kamukha niya si Vic Vargas. Ang sarap niyang magluto, adobong pusit, adobong manok, adobong kalabaw, pinakbet, ilan lang yan sa mga paborito kong niluluto niya. ‘Yan ang tatay ko, siya na halos ang gumagawa sa gawain bahay pwera nalang sa paglalaba at paglilinis ng bahay, sa nanay ko naman ‘yun at minsan ay sa akin ‘yun.
Lahat naman siguro ng Ama ay pinapangaralan ang kanilang mga anak, pero ang Tatay ko kakaiba, dahil nga sa tipid siya magsalita, bihira lang niya ako mapangaralan, teka parang wala akong matandaan, aahh mayroon. Minsan habang pauwi kami sa probinsya, ako muna ang pinag-drive niya, at habang nasa daan kami, nag-uusap kami, isa lang ang natatandaan ko sa pag-uusap namin iyon at hangang ngayon ay hindi ko makalimutan ang sinabi niya, “Gawin mo na ang lahat, basta wag na wag kang magda-drugs”. Uso kasi noon ang shabu, kaya siguro sa sobrang pag-aalala niya sa akin, ganun ang nasabi niya, pero dahil mabait at masunurin akong anak, sinunod ko naman siya, ginawa ko na ang lahat maliban nalang sa isa, ang mag-drugs.
Masasabi kong matagumpay siyang Ama, dahil kahit papaano ay nagawa niya akong mapatapos ng pag-aaral. Tunay kong ipinagmamalake ang aking Ama, hindi man kami mayaman (pero yayaman din) masaya kaming pamilya. Alam kung malaking tagumpay sa kanya ang mapatapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho, alam kung panatag na ang loob niya sa akin.
Maraming salamat Ama, salamat sa pag-aalala sa amin, sa mga sakripisyo mo sa iyong pamilya, alam ko, kapag may problema tayong kinakaharap ay hindi ka makatulog, hindi mo alam nakikita kitang nakaupo sa may bintana at nag-yoyosi, alalang-alala ka kung paano mo ‘yun mareresolba.
Nahihiya man akong sabihin sayo ng harapan kung gaano ako nagpapasalamat sayo at kung gaano kita kamahal. Lagi kong ipinagdarasal na sana ay humaba pa ang buhay mo, ng nanay at maging matagumpay ako sa buhay upang maranasan at matikman mo ang tamis ng aking tagumpay, ipinapangako kong babawi ako sa lahat ng kabutihan at sakripisyo mo sa akin, kayo ni nanay. Tagumpay ko ay tagumpay niyo, pangako!
Nais kong iparating sa lahat ng makakabasa nito, sa pamamagitan ng simpleng blog kong ito kung gaano ko kayo kamahal. Sana sa simpleng sinulat kong ito ay naipahayag ko sa lahat na, proud ako sa inyo. Ikaw ang aking idolo, ang aking hinahangan, ang nag-iisang lalake sa buhay ko.

► About the Author:
Also known as Akoni in blogosphere, Habib is currently working as an Admin Assistant in Riyadh, Saudi Arabia. He describes his blog as an outlet, his personal diary. You can discover more of his musings at Kaharian Akonilandiya.

click here to comment… for bloggers
1 Reactions:
na-aala ko ang kwento na ito anak, nong una mong pinabasa yan sa akin, ilang beses kong binasa kasi naaliw ako, natatouch at natutuwa.. hehe! buti naman inisubmit mo dto sa TKJ.. i really love that blog anak.. advance happy father's day sa lahat ng tatay. lalo na sau anak.. GOD BLESS YOU.
Post a Comment