Bus 53

Ito ung number ng bus na sinasakyan ko araw-araw. Sa loob, iba’t ibang lahi, kulay at porma ang bawat pasahero. May estudyante, office workers, laborers at iba pang klase ng uniporme. Sari-sari din ang mga ugali ng tao dito. May maingay, may pintasera, may tahimik, may nakamasid lang at may laging tulog (ako iyon). Sa bus nagsisimula at natatapos ang araw ko. Sa bawat araw ng pagsakay ko dito hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay sa iba't ibang kwento na aking naririnig. Bawat linya ng kanilang salita ay naglalaro sa aking imahinasyon at sa aking pagbubulay bulay nanariwa ang asal na baon ko dito sa pakikipagsapalaran sa ibang bayan.

Sa buhay meron tayong kanya kanyang patutunguhan, meron tayong kanya kanyang destinasyon. Sa iisang bus man tayo nakasakay, iba-ba namang lugar ang ating bababaan. Mayroon sa malapit at mayroong din malayo ang lalakbayin.

Sa pag byahe ng bus sa loob nito umiikot ang buhay natin. Iba ibang klase ng tao yung makikilala at makakasalamuha. Minsan nakakaasar kapag lagi kang nakatayo o kaya naman, nakaupo ka nga ayaw mo naman sa taong katabi mo. Ganyan din sa totoong buhay madami tayong nakikilala. Iyong iba kasundo natin at ang iba naman sadyang malayo sa ating nakasanayang pamumuhay. Iba ibang ugali, iba ibang paraan kung paano mag isip. Sabi nga… “you can’t please everybody” Minsan kahit di ka nila ganoon kakilala parang napakadali lang sa kanila ang manghusga. Sa pag preno ni Mamang driver minsan sa sobrang lakas hindi natin maiiwasang mauntog. Sa lakas ng pagkakauntog magkakaron ka pa ng bukol. Ganyan talaga ang buhay minsan kailangan natin masaktan para matuto. Minsan kailangan natin mabukulan para magising. Hindi namn kasi sa lahat ng byahe simentado ung daanan kaya kailangang magtyaga at magdesisyon ng maayos. Life is not a bed of roses. Minsan nga kahit simple nagiging komplikado pa at kadalasan natututunan natin ang mga bagay sa mahirap at masakit na paraan. Maraming tao aalis at dadating sa atin. Parang pasahero lang may baba pero may sasakay din sa bawat titigilan. Merong mga tao na pipiliin nilang manatili sa buhay natin ngunit meron ding aalis pero mag iiwan ng alala na mahirap kalimutan. Sa di inaasahan panahon at pagkakataon magmamahal tayo at hihilingin natin na sana hindi na matapos ang sayang nararamdaman ng puso. May mga tao din na mananakit sa atin, may oras din na tayo ang mananakit sa iba. Gnun talaga yata kailangang magsakripisyo. Kailangan pumili at kailangang piliin kung anu ang tama at makakabuti sa lahat kahit alam natin na hindi iyon ang gusto natin. Sa byahe ng buhay hindi rin tayo makakaiwas sa aksidente, pwedeng mangyari na sa isang kisap mata lang maaaring bawiin ung buhay. Kaya dapat gwin nating kapaki-pakinabang ang bawat araw na dumadating sa atin. Matuto tayong pahalagahan ang mga taong mahal natin. Iparamdam sa knila na mahalaga sila sa atin para kung dumating man ang sandali na mawala sila, wala tayong pagsisisihan dahil naramdaman nila kung gaano sila kahalaga. Ingatan ang mga bagay na meron tayo at matutong makuntento sa kung anung meron at pagsikapan ang mga bagay na gusto nating makakuha.

Depende namn sa kung ano ang gagawin nating paraan para marating iyong gusto natin puntahan kahit pa tahakin natin ang tamang daan, mag short cut o kaya cutting trip. Ang buhay walang undo, rewind o repeat. Minsan lang tayo dadaan sa bawat kalsada. Lahat ng mga nangyari hindi na natin maibabalik o mababago pa. Ang importante ay kung paano tayo bumangon sa pagkakamali na nagawa natin. Ito ang byahe ko. Ang byahe ng buhay ko, kahit na sobrang traffic ang bawat kalsadng dinadaanan ko, ayos lang. Alam ko naman na di magtatagal makakarating din ako sa aking destinasyon.


► About the Author:
Floradel Torrenueva is an OFW based in Dubai. She came from Bato, Catanduanes.


0 Reactions:

Post a Comment