Bote

nagiging bato,

nagiging bata,

nagiging boto,

nagiging bati,

nagiging buti,

nagiging buto,

ang salitang bote,

kapag pinaglaruan mo,

at pinagpalit-palit,

ang mga patinig nito.

kailan lang ay napagtanto ko,

na ganyan din ang ugnayan natin sa ibang tao—

nag-iiba, nagpapalit-anyo, nagbabago

kapag pinaglaruan mo.



► About the Author:
Ms. N is a happy simple woman celebrating a happy simple life. She's a lover of nature, words, dogs, children, and friendly people. She'd love it if you could say hi and also celebrate life with her at www.nortehanon.com
► Read Ms. N's previous articles here.


0 Reactions:

Post a Comment