Ang Tanging YaNAH Nyong Lahat!


Taong 2008, nung makasalubong ko sya sa isang forum, forum kung saan lahat ng klase ng tao ay makakasalumuha mo, forum kung saan halos lahat na yata ng dapat pag-usapan ay napagdiskusyunan...

Madalas sa isang bagay lamang kami nagtatalo, at ito ay usapang pag-ibig, pagmamahal, debateng magkaibigan lamang sabi nga ng iba, palitan ng kuro-kuro na para lang magkaklase at pagbabahagi ng kaalaman na para lang magkapatid upang ng sa gayon parehas kaming may matutunan. kaya sa bandang huli ang debate ay nauuwi sa biruan.

Masaya kung tutuusin, dahil may taong kaparehas ko ng interes kahit pa alyas lamang ang pagkakakilanlan.

Taong 2009, habang nasa ibang bansa sya at nagsasakripisyo para lamang buhayin ang tatlo nyang anak na naiwan sa Pilipinas, dumating ang isang unos sa buhay nya. Isang unos na kahit sino'y hindi kakayanin ng mag-isa, isang unos na kahit kasing tatag ka pa ng punong narra ay maaari ka nitong itumba.

Pero nanatili syang nakatayo, nakatayo sa gitna ng unos sa tulong na rin ng mga taong ni minsan yata'y hindi nya pa nakita ng personal. Bilang kaibigan naruon ako, nagpasimula ng isang rally, isang tahimik na rally, isang simpleng rally na ang baon lamang ay pananampalataya sa may gawa ng lahat. Isang Prayer Rally.

Natapos ang unos sa buhay nya dahil sa mga taong may mabubuting kalooban upang tumulong sa kapwa, nakauwi sya ng Pilipinas at muli nakasama nya ang kanyang mga anak na minsan nya nang iniwan para lamang sa magandang kinabukasan ng mga ito...

Muli, isang masayahing kaibigan na naman ang nakita ko sa mundong daliri lamang ang nag uusap. Hindi nagkikita, hindi nagkakakilala ng lubusan, alyas lamang ang pagkakakilanlan.


Taong 2010, nung muli kaming nagsama, naging magpartner sa isang proyekto, isang proyekto na magbibigay SMILE sa 300 estudyante ng Baguio City. Isang proyekto na di naming inaasahang magtatagumpay sa tulong na rin ng mga kakilala at kaibigan. Ngayon hindi lamang sya ang nakangiti, tatlong daan pang estudyante ang binigyan nya ng ngiti sa labi.

Nagtagumpay ang unang Project SMILE, at sa unang pagkakataon, nangako kaming ipagpapatuloy ito hangga't may mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan. Nangakong magtutulungan sa lahat ng proyekto kahit na milya-milya ang layo namin sa isa't isa, kahit na hindi pa kami nagkikita, kahit na alyas lang ang pagkakakilanlan.

Taong 2011, kasalukuyan. Isang napakalakeng sakripisyo na naman ang sinuong nya, isang desisyon na sa pag aakalang ito ang makakatulong sa kanya upang iangat ang buhay ng mga anak. Iniwan nya ang tatlo nyang anak sa Baguio upang gampanan ang tungkulin na iniatang sa kanya, lumuwas ng Maynila at muli, nakipagsapalaran sa isang mundong hindi alam ang patutunguhan.

Wala man kasiguruhan, nagpatuloy sya sa paggawa, daanan man ng unos patuloy na nakatayo, patuloy na lalaban maisakatuparan lamang ang isang pangako, pangakong makapagbigay ngiti sa mga bata...

Alyas lang ang pagkakakilanlan nmin dalawa, ngunit iisa lang ang inaasam nmin, ang ibigay sa mga bata ang ngiti na minsan nang ipinagkait sa kanila.

Sandali...Ako ba o sya ang nasa Spotlight? Hahaha, Syempre SYA! Pero dahil ako may gawa ng artikulong ito, kasama dapat ako, hehehe...


Si Yanah? Isang masayahing kaibigan, isang mapagmahal na Ina na walang hinangad kundi mapangiti ang tatlo nyang anak gayun din ang iba pang mga bata. Isang inspirasyon sa mga tulad ko upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng maraming unos na dumaraan sa ating buhay.

Hindi man ito ang magbabalik ng mga bagay o panahong malayo ka sa mga anak mo, Yanah, dahil na rin sa pag-aasam na makatulong sa iba at makapagpangiti ng mga bata, umaasa ako at ang buong TKJ Team na mapapawi nito ang lungkot na dala ng pagkawalay mo sa iyong mga anak...



Si Yanah, Ang Tanging Blogger, Ina at Kaibigan ng lahat...


Isinulat ni LordCM

8 Reactions:

YanaH said...

langya ka CM!

pinaiyak mo ko... yung make up ko sayang! anubaaaaa buti na lang lunch time.. hahaha..

super tenkyu.. as in.. alam mo naun...

salamat din sa SUPER FRIENDS... for always bein there and for making sure na may katinuan ako.. sobrang naappreciate ko talaga.. ung gasgas na linyang, words arent enough to let you guys know how thankful i am na andyan kayo kahit na dito lang sa internet... i will forever be grateful sa lahat ng kabaitan nyo at pagtitiyaga sa kabaliwan ko. and i'll wait for the day to come na magkasama-sama ang mga superfriends.. this time, hindi na sa YM conference.. conference sa totoong teleserye ng buhay..

Maraming salamat!

aylabyuol! ;))


PS

ang sinungaling mo CM! hahahaha sabi mo si ano ang spotlight. kaloka ka!

2ngaw said...

Hahahaha, alangan sabihin ko sayo na ikaw ang spotlight, edi wala na ung surprise! lolzz

YanaH said...

may point ka..
pero dahil kilala mo akong reklamador.. hindi makukumpleto ang komento ko ng wala akong reklamo..

naman CM! hangggggg dame kong pikshurs na mukha akong payat (ng slight) at mukhang may face value..
baket naman yan pa ang mga naipost mo? lol..

ung kid's photo.. one of my fave photos nila.. nadale mo!

salamat ulet!

umuwi ka na at ng makilala ko na sina malake, medyo malake at maliit.. putek! hahahahha

Francis Morilao said...

wow galing ni CM, kuhang kuha ang layout...

and to ate yanah! more power, Superfriends will always be here...

Bino said...

i like this one!!! :D

Noel Ablon said...

Ang lufet sa pics. You deserve it to be on the spot. A strong woman with great courage and super power hehe! God bless you always.

A-Z-3-L said...

claps! claps!

ikaw na nga ang tanging Yanah!!! lolz!

Pupsicle said...

Galing talaga ng mga pinoy, kahit di mgkakakilala handa pa rin tumulong.

Post a Comment