in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Pag-ibig Sa Tag-araw


March 23, 2007

Hi!
Hello

Pasensya ka na ha, pinag antay kita Rich

Okay lang, tara akyat tayo sa taas, doon, 'dun tayo sa gilid, sa harap ng overpass, (sa itaas ng Chowking Guadalupe Edsa ay kitang kita ang overpass at sa kabilang dako naman ay Loyola Memorial Chapels and Crematorium)

anong gusto mong kainin Brenda?

desert na lang, tapos na akong mag breakfast

um, halo-halo?

sure, isa lang, share na lang tayo (um para sweet)

sige, wait lang ha order lang ako sa baba

1 Halo halo with 2 scoops ice cream, here's your number sir! 10 minutes #49

pwede ba kitang tabihan?

sure, sabi ni Brenda, ah, para maiba naman, last time na kumain tayo lagi tayong magkaharap

(umupo si Rich sa tapat mismo ng glass window at nakatitig sa Loyola Memorial Chapels)

ang daming taong dumadaan sa overpass noh?

busy area talaga yan, kahit na may Memorial Chapel, ang dami pa ring tao compare mo sa Araneta halos walang tao sa labas, feel na feel mong malungkot dahil sa patay.

Brenda, 'pag namatay ba ako dadalawin mo ako sa burol ko?

anu bang tanong 'yan rich?

here's your order sir, 1 halo-halo with 2 scoops ice cream.. anything else sir?

Chowking Halo Halo

thank you i'll call you later, sabi ni Rich.

Brenda:
'yan ba ang pag uusapan natin kaya mo ako pinapunta dito, ang burol mo?

hahaha, bakit galit ka?, siguro ayaw mo akong mawala sa piling mo noh?

habang hinahalo ni Rich ang Halo-halo gamit ang mahabang kutsarita ay bigla syang natahimik, parang nawala siya, naisip nya lang, paano nga kung mamatay siya ngayon, may dadalaw nga kaya sa burol nya? nag-iisa lang siya, wala siyang kapatid, patay na ang father nya at ang mother nya nasa states.

Huy, anong iniisip mo?

tungkol ba kay Susan ang pag uusapan natin?

'yung tungkol muna sa atin ang pag uusapan natin, sabi ni Rich

Brenda:
hahaha, anong tungkol sa atin? (pero medyo kinakabahan na si Brenda, kinikilig ang lola, this is it! yes)

sinubo ni Brenda ang scoop ng ice cream habang nakatingin siya kay Rich

si Rich naman ay muling tumingin sa overpass at pag lingon niya ay nagkatitigan sila ni Brenda sabay sabing...

Honestly, I tried to hide from you, pinilit kong iwasan ka

Oh bakit naman? sabi ni Brenda (hinahalo ulit ang pagkain at isinubo ang ube na nasa gilid ng lalagyan)

hahaha, siguro inaway ka ni Susan noh?

Si Susan, we broke up 2 months ago

ahh, I see

Eh bakit mo naman ako iniiwasan?

hindi ko kasi sigurado ang nararamdaman ko noon, sabi ko sa sarili ko, in love ba ako o infatuation lang, kasi palagi tayong magkasama parang nahulog na ang loob ko sa iyo

(ayyy, inlove pala sya sa akin, ang posture Brenda, ang posture dapat hindi halatang kinikilig ka)

Oh Tapos? tanong ni Brenda habang nakatingin sa halo halo (pero kinikilig pa rin)

Now I'm sure, I'm in love with you, kasi kahit na hindi tayo magkasama, hinahanap hanap kita, palaging ikaw ang nasa isip ko, ang mga ngiti mo, Brenda mahal kita

(pagtingin ni Brenda kay Rich ay nagsalubong ang kanilang mga mata, dahan dahang inilapit ni Rich ang kanyang labi sa labi ni Brenda habang unti unting pumikit si Brenda upang damhin ang kakaibang halik)

(isang makapangyarihang halik na mapag paubaya, iba ang dating, iba ang tamis, parang may kung anong kuryenteng dumaan sa butas ng kanyang bibig papunta sa lagusan ng lalamunan at tumawid papuntang ugat na naglakbay papuntang puso upang bigyan ito ng kakaibang tibok na nararamdaman ng isang tunay na nagmamahal)

I love you too Rich...

(aninag sa ngiti ni Rich ang kakaibang pakiramdam, ang pagkakataong masabi ang tunay na nararamdaman na tanging ang puso ang nag uudyok

dagling dinampot ni Rich ang tissue at marahang ipinahid sa ibabang kanang pisngi ni Brenda dahil sa talsik ng yelo sa halo halo.

natahimik si Brenda, nagbago ang kanyang pakiramdam, para siyang lalagnatin dahil sa init ng halik ni Rich, kahit na malamig ang halo halo, iba pa rin ang sarap ng halik ni Rich, isa pa nga?

maya maya pa ay unti unting ipinatong ni rich ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ni Brenda, ngayon pati ang akbay ni Rich ay may kuryenteng dulot sa katawan ni Brenda, parang may magnetic reaction ang movement ng molecular cells ni Brenda, siguro epekto din ng halo halong kinakain niya na malamig at nakakangilong pag nguya)

naku 11:30 na Brenda, i have to go

sige tara, tapos na rin ako, nasaan ang car mo?

pinalinis ko kahapon, i'll take the cab, ikaw?

uwi muna ako, tulog ulit, mamaya pa ang pasok ko 12:30 am

maya sunduin kita?

sure

sige bye (tapos nag kiss ulit si Rich, ummm sarrraaappp)

Text message from Brenda:

I love you, ingat ka

Love Bus

Isang Eksena sa Love Bus Book 1… Basahin nang buo dito


► About the Author:
The Psalmist is a designer/technical artist for a printing company in Doha, Qatar. Sinimulan niyang isulat ang Love Bus Book1 noong April at inilagay sa kanyang blog noong June 2010. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Love Bus Book2 na mababasa ninyo sa kanyang blog na Mga Kathang Isip ni Kiko. Sinusulat niya ngayon ang Kwento ng Buhay ni Navya, isang batang punong-puno ng kaalaman at kapighatian. Abangan!
► Read The Psalmist's previous articles here.

0 Reactions:

Post a Comment