Love When Your Ready Not When Your Lonely

by : Chep Del Valle

I just have this thought since last night, I was talking to Koy and I told her na ang isa sa pinakamasarap na feeling eh yong masabi mo sa tao na mahal mo siya na buong buo ka, iyong tipong magmamahal ka hindi sa panahon na malungkot ka. Ako naniniwala sa kasabihan na "love when your ready not when your lonely" kasi lalabas at lalabas talaga na naging panakip butas mo ang taong yon just to cover up those pain that you feel inside. Take time to grieve, take time to cry and dwell in pain dahil the more you feel the pain the more nawawala yong naramdaman mo sa isang tao, isa yan sa mga ginawa ko noong panahon na I was so depressed, I was betrayed and I was in pain. Wala naman kasing masama kung nasaktan ka, oo alam kong mahirap, ano ba ang madali doon? eh kahit nga ako I even took my own life because of the pain yet it's not worthy.


Noong nasaktan ako, nasaktan talaga ako! at ngayong naging masaya naman ako, masayang masaya talaga ako! Mas masarap ang pagmamahal na may ipinaglalaban kayo dahil there's always something to look forward and ang pinakamasarap dun dahil may problema lagi kang hinaharap. Masarap ang isang relationship na hindi lang puro saya kundi may mga downs din, lungkot at frustrations. I remember telling my fiancee about it na "what's one of the best in our relationship? was when we started na problema na ang hinarap natin, oo happy tayo, nakakatawa nakakasmile pero behind those smiles and laughters alam natin na may problema, yon ang best dahil hindi lang tayo puro saya!" sa buhay kasi kung meron ka na lahat-lahat wala ka ng contentment sa buhay, wala ka ng happiness and believe me I've been there a lot of times. Kapag na sa'yo na ang lahat there's nothing to look forward pa, meron pa ba? wala na sure ako dyan!


Madaming beses ko na inisip noon pa, noong minahal ko ang aking fiancee alam kung buong-buo na ako after kong nadapa, nasaktan sa mga panahon na yon. Ito ang sinabi ko sa sarili bago ko man inamin sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya "hindi ko sasabihin sa taong ito na mahal ko siya hanggat hindi ako maging buo dahil sa lahat ng aspect na tingnan ko, she's special, I can't afford to break her, I can't afford to hurt her" yon at yon talaga naman ang nasa isip at puso ko that time. hmmm... ilang times ko yon sinabi sa sarili ko until nalaman kung buo na talaga ako. Iyon ang panahon na inamin ko na nga sa kanya, iyon ang isa sa pinakamasarap dahil alam kong nalabanan ko yong feeling na HINDI AKO NAGMAHAL DAHIL MALUNGKOT AKO pero nagmahal ako DAHIL ALAM KONG HANDA NA AKO AT HANDA NA AKONG IBIGAY ANG SARILI KO AT BUHAY KO SA KANYA! iyan ang maipagmamalaki ko sa sarili dahil alam ko na wala akong guilt feelings na nagmahal ulit dahil lang kailangan kung magmahal ulit para makalimutan ang anumang sakit na naibigay sa akin ng nakaraan.

2 Reactions:

Francis Morilao said...

This is very touching indeed.

Happy Valentines Poy

Gumamela said...

sana lahat ng guy ganyan ka sensitive para walang babaeng luluha and vice versa.

Happy Vday Poy!

Post a Comment