Baraha ng pag-ibig ay maaaring awitin,
Magbibigay sigla sa malungkot mong damdamin,
Samahan akong ito ay kantahin,
Bawat linya ay basahin at ito'y sauluhin.
Barahang nabasa ng luha,
Balasahin mo lang saka itihaya,
o kaya naman'y isa-isang pintahan,
Ilatag sa lamesa at saka pagmasdan.
Ilatag sa lamesa at saka pagmasdan.
Hindi namamalayan ikaw pala'y nalilibang,
Sakit na dulot ng pag-ibig na linlang,
Pakiramdam mo'y parang wala lang.
Pag-ibig sa iyo'y parang isang sugal,
Iba't ibang barahang may kahalong dasal,
Ligaya na dulot sa katawang pisikal.
Lahat nang sumali umuwing talunan,
Isinugal na pag-ibig lahat ay luhaan,
Kahit na sabihing ikinasal sa simbahan,
Kung ang tayang pusta ay kinuha ng kalaban,
Talunang maituturing kahit matagal ang pinagsamahan.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi panandalian,
Walang halong sugal walang pag-aalinlangan,
Tunay ang intensyon ng pusong marangal,
Pinatitibay ito ng makapangyarihang dasal.
► Read The Psalmist's previous articles here.
3 Reactions:
Ang pag-ibig ay isang baraha,
Bawat balasa walang ganap na bunga,
Kadalasan hatid nito'y luha,
Sa pakatalo ng itinaya :)
Datapwat sa bawat pagpitik ng baraha,
Andun ang mapang-akit na reyna,
Ikaw ang alas na magiging sandata,
Sa pag-ikot ng tagapaglaro sa lamesa :)
ngunit sadyang mahirap subukan
ang laro ng pag-ibig kung minsan
kahit na anong gawing pintahan
kung hindi naman tunay na bihasa sa larangan
parang isang barahang inihihiwalay
joker kung tawagin ni inday
kahit na anong seryosong tunay
nauuwi pa rin sa paghihiwalay
ang joker kadalasan hindi ginagamit mahal kong kaibigan,
ito ay panlito lamang,
nasa saiyo pa rin ang tangkay,
ng pagkatalo o pagkapanalo sa isang sugal.
Kagaya ng pag-ibig kailangan mong sumabay,
Hindi para makipaglaro kundi makibagay,
sa hudyat ng baraha dapat may ilalagay,
kagaya pa rin ng pagmamahal,
nasa kamay mo ang alas para ituloy ang laban.
Post a Comment