Araw ng mga Patay, Do Los Lo Santos, All Saints Day, Kapistahan ng mga Patay at Undas.
Iyan ay ilan sa mga tawag natin tuwing papatak ang a-UNO ng Nobyembre. Sa ating mga Pilipino, tradisyon na ang dumagsa sa mga sementaryo para ipadasal, ipagtirik ng kandila at alayan ng bulaklak ang mga kaanak na yumao. Kaya namang usapang “PATAY” ang pag-uusapan natin ngayon.
URI NG MGA NITSO:
1. Apartment – ito yung mga nitsong magkakapatong
2. Condo – ito ang ma nitsong magkakapatong din subalit nakamarmol naman.
3. Bungalow – Ito naman ang nitsong mag-isa lang
4. Duplex- Nitsong magkatabi (kalimitang mag-asawa ang nandito)
5. Mansion – Nitsong may museleo pa
6. Six Feet Under- nitsong nasa ilalim ng lupa na nilalagyan ng Bermuda grass sa ibabaw at sosyal na lapida
7. Anim na Paa sa Ilalim (tinagalog lang) – nitsong binaon lang sa lupa na may krus na kahoy at pinapalibutan ng bato para matandaan naman (kalimitang binabaon lang sa likod bahay dahil mahal na ang lupa sa sementeryo)
KLASE NG KABAONG
1. Lower Economy Class– kabaong na gawa lang sa plywood o lawanit (kung wala talaga banig na lang)
2. Economy Class – kabaong na gawa sa plywood pero may pintura at design na
3. Business Class - kabaong na may design na maganda, may kutson (para di raw sumakit ang likod ng patay), at may manikang ANGEL sa ibabaw na gumagalaw galaw pa.
4. First Class – Kabaong na gawa sa narra, yakal o apitong na may salamin na nakahulma. Kalimitan ding cupcake ang handa sa lamayan at hindi biskwit. Wala ding makikitang saklaan at madjong dito.
*Kung minsan may “PROMO” ang mga punernarya, ito ay ang “BUY ONE TAKE ONE PROMO”. Pag bumili ka ng kabaong, may “free” pang isa. Kaya magmadali at i-avail ang promo dahil “Limited Stocks Only”.
KARANIWANG TAGPO SA SEMENTERYO TUWING A-UNO NG NOBYEMBRE
1. Reunion
Mistula itong Family Reunion, high school reunion, elementary reunon, at kung ano ano pang reunion. Kaya makikita mong grupo grupo ang mga kabataan, samantala ang mga matatanda naman ay kanya kanya ng kwentuhan at bidahan. Dito rin nagtatapo ang dating magkasintahan, pati na rin ang dating magka-away.At dahil reunion asahan mo rin na ang iba ay nagpapayabangan sa laki at bango ng bitbit na kandila, at pagarbuhan sa ganda ng bulaklak.
2. Picnic / Park/Piyesta
At dahil na rin kailangan bantayan ang mga nitso ( baka umalis daw eh), naging picnic area o park na rin ito. Sa dami ng pagkaing bitbit, at may kasama pang makukutkot tulad ng butong pakwan at kornik, talagang namang nagmumukha “park” na rin ito ng mga Pilipino. At dahil sandamakmak na pagkain ang kanilang dala, para ka na rin namimiyesta (kulang na lang ay perya) . Asahan ding isang malaking “trash can” ang sementeryo pagkatapos nito.
3. Party / Casino
Karaniwang mapapansin nagmumukha Party o Club na rin ang sementeryo sa lakas ng mga stereo, component, at videoke. Sabog ang mga tenga sa lakas ng patutog at kung minsan naman ay todo ang biritan ng ilan sa videoke (sige, subukan kaya nilang kantahin ang “MY WAY). Habang ang iba naman ay naglalaro ng pusoy dos, tong-its, madjong at kung ano ano pang laro sa baraha, Kulang nalang ay casino chips at mga babaeng nakapanty lang. Kaya pag may nagkapikunan sa sugal at nagkakaaway sa score sa videoke, asahan mo may isusunod na sa bakanteng nitso doon.
4. Mga batang nangangandila
Sila naman yung tirador ng upos ng kandila, karaniwang nagngangapit-nitso sila para lang makarami ng kandilang ibebenta. Kalimitang binibilot nila ito hanggang sa magmukhang bola ng kandila, mapapansin din na kahit hindi pa tunaw ang kandila, kinukuha na rin nila. Kung minsan naman “trip” lang nilang manguha ng tulo ng kandila………. USO eh.
5. Tyanggi-an / Tindahan
At dahil maraming tao, asahan mo marami din nagbebenta ng kung ano ano sa sementeryo. One-stop shop kumbaga, may lugawan, fishball-an, mamihan, nagbebenta ng mani, nagbebenta ng chitchirya, kandila, bulaklak, may nagbebenta ng ukay-ukay, laruan, sisiw kulay pink, violet ar rainbow, laruang manok na tumutuka pag pinapaikot ang itlog nito, at kung ano ano pang pwedeng ibenta. Nagmumukha na ring palengke ang sementeryo sa dami ng nagtitinda. At minsan mas marami pa ata ang mga “stalls” na nagtitinda kaysa sa dami ng nitso doon.
Ang mga nabanggit sa itaas ay kalimitang napapansin natin sa mga sementeryo tuwing a-uno ng Nobyembre. Sari-saring trip, gimik, pakulo, tradisyon at kung ano-ano pa. Subalit tandaan natin na mas mahalaga ang panalangin kaysa sa ano pa man. Wala yan sa bango, laki, mahal ng kandila mo at hindi rin yan nakukuha sa ganda at dami ng bulaklak na iaalay mo sa mga namayapang kamag-anak. Ito’y nasa mataimtim na panalangin para sa kanilang kaluluwa. Sana’y mas paglaanan natin ng panahon ang pananalangin higit pa sa mga bagay na ito.
Iyon lang po at maraming salamat.
► Read Drake's previous articles here.
1 Reactions:
Hahaha, talaga palang may pinagkaiba kapag tinagalog na enoh lolzz
Post a Comment