I Can't Think Well, I'm Hungry



At dahil Ramadan ngayon, at fiesta kada Eid, which means, a week or more holiday sa mga Pinoy dito sa Middle East, magpapakabusog tayo ayon sa tema ng TKJ this month.

Nagkaroon kami ng EB ng isang blogger dito sa Jeddah, si Ron Dacz ng My Kaleidoscope World, at napag-usapan namin ang matagal niyang pamamahinga sa blogging, at nagpromise na magspend ulit s'ya ng time para magblog. Inilibre niya kami na kumain sa isa sa mga favorite ko na restaurant dito sa Balad, ang Thai Restaurant.

Dahil sa sarap ng ulam at mga inorder niya, nakalimutan kung magpicture at naalala ko na lang nung kami ay tapos na. Hehe. Sorry.

Anyway, mas lalong masarap naman na mga pictures ang ipapakita ko ngayon sa inyo, kasi ito ang mga sari-saring pinagkakaabalahan ng may-bahay ko samantalang ako ay nasa trabaho.

Isa sa mga favorite ko na niluluto ni Mrs. Thoughtskoto ay ang Oven-friend na whole chicken. Marami kasi siyang nilalagay sa loob ng manok para sumarap ang lasa plus cruncky-liscious pa ang mga buto kaya't talagang sarap na sarap. Home-made kumbaga, segurado ka na malinis, at masustansiya.



Isa din sa mga gustong-gusto ko ay ang kanyang Chocolate cake, with pistaccio, peanuts and chocolate chips. Moist na moist pero di sobrang matamis. Naglalaway ako. hehe (she said, she can give out recipe's daw).

Nung nagsasawa na siya sa mga cakes, at lagi akong nagbubuy ng bread sa labas na bakeries, sinubukan niyang magbake ng home-made bread. Segurado daw ako sa quality at sa ingredients. Ito ang pinakamasarap sa mga bread na binibake niya, may cheese yan, at malambot na malinamnam.



Nung naglalagay naman ako ng palaman sa bread na niluluto niya, nag-aral naman siyang magbake ng Cinnamon. Nasarapan din ako sa cinnamon na yan, may mga raisen kasi na kasama yan, aside sa choco.



Ito naman ang baked macaroni. Isa sa mga pinakagusto ko na lutuin niya tuwing may occasion. Hindi ko alam anong mga ingredients niyan, itanong niyo na lang sa kanya.



At syempre, lagi niya ako pinababaunan ng fruits. It will take away the toxins daw sa katawan, plus it will add fiber sa katawan. Kumbinasyon ng apple, banana at pears at strawberry.



Pero walang tatalo sa sarap at linamnam nito. Ito ang hindi nawawala sa amin, nagbabaon pa kami ng ganyan mula sa Pinas tuwing babakasyon kami. Ang Anchovy salad, o kilala sa tawag na pritong dilis. Sarap kumain na nakakamay, or sinasaw sa suka, di ba?



Enjoy po kau sa holiday this month. Wag masyadong kumain ng sweets, at iwasan din ang sobrang alat. Happy holidays sa lahat! September na di ba, kaya holidays na!


► Read Kenjie's previous articles here.

0 Reactions:

Post a Comment