Minsan naitatanong ko sa aking sarili: "bakit nga kaya meron mayaman at mahirap sa mundo?"
Kahit ano'ng kayod ang gawin ko sa trabaho ay hindi pa rin gumiginhawa ang aking buhay. Naging mabuti naman akong tao, matulungin sa kapwa at may takot sa Diyos. Hindi naman ako nakakalimot na magsimba sa araw ng pangilin. Samantalang kung sino pa ang mapagsamantala at walang pananalig sa Diyos, s'ya pa itong umaasenso ang buhay. Sabi nga: sa sipag at tyaga giginhawa ang buhay mo. May mga tao na easy go lucky pero sila pa ang nakakasalo ng biyaya. Minsan tuloy nagkaroon tayo ng tampo sa Diyos.
Balikan natin ang nakaraang bagyong Ondoy. Mayaman man o mahirap ay hindi pinalampas ang bagsik ng hagupit ng bagyo.Wala ka na halos mabili sa mga grocery stores. Nagkakaubusan ang mga paninda sa palengke. Maging sa mga bigas na nalubog sa baha ay pinagtyagaang bilihin. Magkakasama ang mahirap at mayaman sa pilahan para makabili ng pagkain. Bagamat maraming tulong na nanggaling sa iba't ibang panig ng mundo, kahit isang takal ng bigas ay 'di nakaabot sa aming lugar. Marami tuloy ang sumama ang loob. Nabibiyayaan lang ng tulong ay ang mga slum areas. Kung tutuusin ang lahat ay naapektuhan sa bagyong iyon. Meron silang pinipili na tulungan. Dahil ba merong mga kamera na nakatutok sa kanila? O kaya'y para mapukaw nila ng attention ang mga donors sa pagpapakita nila ng mga slum area? O para kaya tumaas ang rating ng isang politiko, artista o tv channel. Naiisip ko tuloy na hindi patas ang tao.
Lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos . Walang mahirap o mayaman pagdating sa mga biyaya na ibinibigay Niya. Makasalanan man o matuwid ay nakakatanggap ng pagpapala ng Panginoon. Hindi nga lang kaagad N'ya natutugunan, subali't ibinibigay naman sa atin sa tamang panahaon. May dahilan ang Panginoon kung bakit Niya panahihintuluutan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Ito ay para lalo pa tayong maging malapit sa Kanya. At lalong tumibay ang ating pananampalataya. Pagpapala man o pagpapalo ay walang pinipili ang Panginoon.
Parang ulan. Wala ring pinipili kung saan nito ihuhulog ang biyaya o ang hagupit ng kanyang parusa.
Sa pagtulong sa mga nangangailangan, sana wala rin tayong piliin.
Mateo 5:45 : "Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid."
► Jess blogs at Lifemoto. He is TKJ's Multimedia Editor.
0 Reactions:
Post a Comment