SANDIGAN NG KATAPANGAN




Sabi nila ang mga bayani’y matatapang
Hindi umuurong sa anumang laban
Maging sa mga pakikipagtalastasan
Sariling bansa ay handang ipaglaban.

Si Jose Rizal ang sinasabing pambansang bayani
Utak nman ng himagsikan si Apolinario Mabini
Ang unang bayaning nagtanggol sa ating lahi
Si Lapu lapu na kalayaan ang kanyang inani.


Emilio Aguinaldo ang naging unang pangulo
Ipinahayag ang kalayaan nuong ika-12 ng Hunyo
Si Andres Bonifacio ay isang Katipunero
Nagbigay lunas sa may sakit si Melchora Aquino.

Mga magigiting na sundalo na nagbuwis ng buhay
Upang kalayaan sa ating mga pilipino’y maibigay
Saludo ako sa tapang ninyo at husay
Maging sariling buhay ay handing ibigay.

May mga simpleng bayani na hindi kilala
Ngunit ang ilan sa kanila ay kinikilala
Binibigyang parangal ang bawat isa
Dahil sa pagtulong sa nasunugan,bagyo at giyera.

Para naman sa mga taong naiwanan
Duon sa ating lupang sinilangan
Ang OFW ay hindi matatawaran
Parang si Kuya Kiko na aking huwaran.

Hindi rin umuurong sa anumang hirap
Basta mga anak matupad ang pangarap
OFW bayaning nagpapakahirap
Taas noo tayong sa dayuhan ay haharap!

Sa magigiting na bayani ng ating bayan
OFW na nakikipagsapalaran
Mga pinunong ating huwaran
Saludo ako sa inyong katapangan!
Mabuhay ang mga BAYANI!!! - TKJ




► About the Author:
Babyluv, is a School Teacher at Divina Pastora College in Doha Qatar. She came from Gapan, Nueva Ecija. She's an apprentice writer at Mga Kathang isip at Kwento ni Kiko. Please visit her poems here.
► Babyluv's previous articles here.
► See sidebar for list of articles this month



click here to comment… for bloggers

1 Reactions:

iya_khin said...

salute to all our OFW heroes! God bless

Post a Comment