in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Flores De Mayo

Naaalala ko pa ang aking kabataan,
Doon sa aming baryo na kung tawagi'y Tan-agan.
Sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo,
Nagkakasiyahan ang lahat ng tao.

At bakit nga ba hindi, ito'y buwan ng bulaklak,
Punong-puno ang paligid ng kanilang halimuyak.
Mga rosas, ilang-ilang... Makulay. Sari-sari.
Kapag iyong nakikita, tiyak ika'y ngingiti.

Kami'y nagtitipon sa pag-umpisa ng buwan.
Pinaplano ang lahat.. pinag-uusapan.
Bata o matanda, lahat ay nagagalak.
ito na ang buwan.. ang pista ng bulaklak.

Ang altar ng simbahan ay puno ng palamuti,
Makukulay na bulaklak.. dilaw, pula at puti.
May mga nagrorosaryo at may kumakanta,
ng "Ave Maria. Ave Maria."

Grade 1 na ako nang ako ay napasali,
sa Flores de Mayo, sa buwan ni Mama Mary.
Nakaputing damit, bestida na payak,
Nagdarasal at nag-aalay ng sariwang bulaklak.

Minsan ay rosas. Minsan nama'y gumamela,
Minsan ay santan, Minsan ay sampagita.
Naiinis na ang nanay sa aking kakulitan.
Lagi kong ninanakaw, kanyang alagang halaman.

Minsan pag sinuswerte at walang nagbabantay,
Isang bigkis ng waling-waling ang aking inaalay.
Hindi naman naggalit ang mabait kong ina,
Dahil yun ay mga alay kay Birheng Maria.

Sa katapusan ng buwan, isa namang prusisyon.
Ang Santacruzan, isang Pilipinong tradisyon.
Magagarang damit, naggagandahang mga dalaga.
halintulad sa isang rosas.... si Reyna Elena.

Nang ako'y nag high school, gumaganda't tumangkad,
Para rin lang bulaklak na unti-unting namukadkad.
Naka Tshirt at pants na, imbes na bestidang damit,
Di bulaklak ang alay, kundi isang magandang awit.

O kay saya lamang gunitain ang nakaraan.
Ang mga panahon ng aking kabataan.
Damit, sapatos at bulaklak, lahat ay preparado,
Sa pista ng bulaklak sa buwan ng Mayo.



► About the Author:
Leah Sayomac is a blogger from Miag-ao Iloilo. She describes herself as a simple Filipina who lives in the comfort of her province. They run their own family business House/Room Rent and refreshment/canteen for UPV students at University of Philippines in the Visayas, Miag-ao).
She enjoys travelling and is fond of animated Disney films.
Visit her at My Tasty Treasures and Ako si Leah.

click here to comment… for bloggers

0 Reactions:

Post a Comment