in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Nakikita at Nararamdaman mo Ba?

May ilang nagugulat at nagtataka kapag nababanggit ko sa mga simpleng pag-uusap na parte na ng mundo ko ang pagkuha ng larawan. Marahil magtataka nga sila dahil ang isang nars na tulad ko, na halos busy na sa trabaho sa ospital at buhay pamilya, nagagawa ko pang maisingit ang paglalakad upang sumipat sa lente ng kamera. Bakit nga ba napakahalaga nito sa buhay ko? Kadalasan ang sagot ko ay "it makes me happy and it enables me to see a different side and perspective of people, places, things and culture that few people have the change to appreciate and enjoy." Sabi nila masyadong vague daw ang kasagutan ko.

Ayon sa mga kilalang photographers, ang ganda ng larawan ay hindi nasusukat sa presyo at ganda ng kamera, kundi nasa kumukuha ng larawan at sa tumitingin nito. Para kasi sa akin, nasa puso yan at kung ano ang nais mong ipahatid. Ika nga sa wikang Ingles "photos are called work of art if they are not mere images." Kung may tinatawag na essence of a woman, sa aking bokabularyo, meron naman akong tinatawag na essence of a photo. Teka, mas nagiging vague na ata. Kung hihimayin ko pa ang mga kadahilanan, maaaring magkulang ang pahinang ito.

Upang mapadali ang aking pagpapaliwanag, minarapat kong ibahagi ang ilang mga larawang kuha ko sa mga nagdaang taon at buwan. Mga larawang nagbigay sa akin ng kakaibang pagkilala sa kahalagahan ng buhay, pamilya, pakikipagbaka, pakikipagkaibigan, pakikipagkapwa-tao at pagmamahal sa kalikasan. Ipinakita at ipinaramdam nito sa akin na sa bawat pagharap natin sa hamon ng buhay ay may kaakibat itong aral at bagong pag-asa na magsisilbing lakas natin.

Kung sakaling mapadaan ka sa pahinang ito at may mga katanungang uusbong sa iyong isipan, nais kong iwan at ipabahala sa iyo ang interpretasyon sa mga larawan. Minarapat ko na maglagay ng caption upang maibahagi ko lamang ang pamagat at kung saang lugar kuha ang mga ito.


"Glimmer of Light"
Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte




"Usher of Hope"
Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte




"Wordless tale of innocence"
Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte




"Redeeming Laughter"
Al Ain Paradise at Zakher District, Al Ain, UAE



"Road to Infinite hope"
Al Mutaredh District, Al Ain, UAE




"Pillow"
Town Center, Central Distict, Al Ain, UAE



"Reality"
Daet, Camarines Norte



"A bench for a piece of thought"
Town Center, Central Distict Al Ain, UAE

Sabi ko nga sa mga anak ko, hindi naman kinakailangang maging sobrang ganda ng larawan upang makita natin ang kahalagahan ng buhay, kalikasan, kapwa tao at ng mga bagay sa ating paligid. Gamitin lang natin ang ating paningin at puso ay makikita at mararamdaman natin ito.

Kaibigan, hindi lamang sa mundo ng pera umiikot ang ating buhay.....maikli lamang ang buhay, nawa'y bigyan natin ng pagpapahalaga ang mga bagay at mga taong nasa ating paligid, at matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang kaloob Niya.


► About the Author:
Misalyn is a proud Bicolana and an OFW presently residing in Al Ain, UAE. If you wish to see some of her monochrome photos, you can click here.
► Read Misalyn's previous articles here.


0 Reactions:

Post a Comment